P21: Paalam

16 7 0
                                        

Unti unting nag lalaho
Unti unting mag babago
Ang mga bagay bagay dito sa mundo
Kasama ang nga samahan nating binuo.

Simula pa noong una tayong nagkakilala
Tinuring na kitang tunay na kapatid,aking kaibigan
Lumipas ang mga panahon ng hindi namamalayan
Marami na pala tayong pinagdaanan aking kaibigan
Marami narin ang mga pagsubok na ating nalampasan

Bakit sa oras pa na ika'y aking kailangan
Ay yun din ang oras na ako'y iyong iniwan
Iniwan nang hindi alam ang dahilan
Iniwan sa gitna ng kadiliman habang umuulan
Sinubukan kong magtampisaw sa ulan
Umaasang kaya nitong hugasan ang sakit na aking nararamdan....

Kaibigan, Salamat sa tuwang iyong ibinahagi
Salamat sa mga tahimik na sandali
Salamat sa mga alaala at pagkandili
Paalam Kaibigan, at hanggang sa muli

Paalam sa ningning ng iyong mga mata
Paalam sa liwanag ng iyong ngiti
Paalam sa iyong mabubuting salita
Kaibigan, hanggang sa muli
‍‍‍‍‍‍ ‍‍‍‍‍‍ ‍‍‍‍‍‍ ‍‍‍‍‍‍ ‍‍‍‍‍‍ ‍‍
Paalam sa malalambing mong hawak
Paalam sa malalalim mong payo't bilin
Paalam sa tawa mong puno ng galak
Kaibigan, hanggang sa muli

Thoughts [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon