Nasa kwarto, nagmumukmok nag iisa
Nag wawalang bahala sa sinasabi ng iba
Nasa isang sulok at palaging tulala
Iniisip kita, habang nasa isip mo ay iba.
Lumilipad ang aking isipan
Palaging ikaw ang tangi nitong laman
Lahat ng tungkol sayo ang aking natatandaan
Pero ako sayo ay balewala lamang
Kailan mo kaya ako mapapansin
Kalian mo kaya ako matututunang mahalin
Kailangan pa ba kitang gisingin
Kailangan pa bang imulat ang natutulog mong damdamin
Laging nasa malayo ang aking tingin
Iniisip kung ikaw sa akin ay may pagtingin
Ilang tala ang aking bibilangin
Handa akp, basta ika'y mapasa akin
Sa isip ko, tayo ay masaya
Ngunit sa reyalidad, ay wala ka
Sa isip ko, lagi tayong mag kasama
Ngunit sa totoo, sa iba ka sumasama
Ititigil ko na lamang aking pagpapatansya
Ang lahat ng aking imahinasyon na tayo ay mag kasama
Mga masasayang alaala sa isipan ko ay mawawala
At ang reyalidad ay aking haharapin ng mag-isa
![Thoughts [ Completed ]](https://img.wattpad.com/cover/213145205-64-k329335.jpg)