It's been 2 months since Jia was promoted as head of the Orthopedic department. I also have completed my 1-month sa ER and now, last day ko naman sa Ortho.
Everything is smooth career-wise. Mas madami na akong kilalang medical personnel at mga staff. Even the guards kilala ko na nga eh.
Ang mas good news pa eh, last week eh interview ako ng board and just yesterday they announced na kasama na ako sa bagong program nila. Ito na yata yung sinasabi ni Doc Reyes. Finally, makakafocus na ako sa surgery.
Naging honest naman ako sa board and they agreed na with my determination, I can do well. I'm so blessed and sobrang pasasalamat ko kay Lord. I know naman na hindi magiging madali pero excited na ako!
And one more thing, makakasama ko si Celine and si Thirdy. I met Thirdy nga pala sa ER, he's really good and mabait. Triny naman nya akong pormahan pero sadyang walang connection. Nakaiwas na ako sa kanya ng malipat ako sa Ortho so sana enough time na yun para marealize nya na iba na lang at wag ako.
So earlier, Jia asked the whole team na magbar tonight. Since it's Friday night at walang duty over the weekends eh pumayag na ako. Sabi din kasi nila tatay at nanay na wag daw ako puro trabaho at matuto din daw akong mag enjoy, so kung ang pagpunta ng bar ay considered na 'enjoy', eh okay na din.
At least kasama ko mga kaibigan kong makukulit. Tsaka sabi nila pag nasa program na daw ako ni Dr De Leon eh medyo all work less fun daw dun. Kaya iniisip ko, for once at least natry ko tong gawin.
Very supportive naman ang family ko, kahit malayo sila, they never fail to send me messages and answer my calls. Si Mafe nakapasa sa entrance exam sa isang sikat na university dito sa Manila, kaya excited na siyang magkasama kami soon. Which actually is a problem for me, kasi nakakahiya naman kung kay Jia pa din kami magsstay. I need to find an apartment soon para sa aming dalawa.
Pero may ilang buwan pa naman ako for that, sana bago dumating yung time na yun eh, mas umusad na ako sa pagiging cardio-thoracic surgeon. Kaya todo dasal at review ako para laging ready with my big break.
Hindi naman toxic ang umaga since we only have few patients, we had few kasi discharged yesterday. So since walang pagkakaabalahan eh pumunta muna ako sa doctor's lounge so I can do reasearch sa Internet. It's been few months pero wala pa din akong bagong phone. Nag-iipon kasi talaga ako for the appartment and syempre for Mafe's education. Ayaw ko kasing mahirapan pa sila tatay.
I'm researching about CABG or Coronary Artery Bypass surgery, commonly known as the Heart Bypass Surgery. Nabalitaan ko kasi sa isang nurse na for the past month eh ito yung usual case.
CABG is a procedure na ginagawa to actually improve the blood flow sa puso. It is important kasi na walang mga bara ang mga arteries para normal ang blood flow sa mga arteries within the heart tissues. This will prevent CAD or Coronary Artery Disease and minsan ginagawa din ito as an emergency procedure for heart attack victims.
Nanood din ako ng mga videos on how it's done pero iba pa din if yung totohanan na. Sa sobrang focus ko hindi ko namalayan na lunch na pala. Nagulat na lang ako sa mahinang pagtapik sa balikat ko.
"Dr Galanza?" Tanong ng babaeng nakascrub suit.
"Yes?" Sagot ni Jema.
"Nice to meet you po, I'm nurse Gaston, Ponggay na lang po. Kanina pa po kasi kayo hinahanap ni Dr Morado." Sabi nito.
Bigla namang napatingin si Jema sa relo nya.
"Shit! Ay sorry, thanks Ponggay. I have to go...." Ito na lang nasabi ni Jema at nagtatatakbo pabalik sa Ortho.
YOU ARE READING
The Heart Doctor
FanfictionDr. Jema Galanza, a surgeon has been accepted in one of the most famous hospitals in the country - St. Paul Medical Center. With full of hopes in fulfilling her dreams and calling to serve others, she embarked to a new journey away from her family...