Fifty-one

5.8K 241 37
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw, simula ng nakabalik ako sa SPMC. Dahil sa aking muling pagbabalik eh mas naexcite ako sa mga ginagawa ko bawat araw. Halos pahinga na lang ang ginagawa ko pag uwi sa unit ni Jia. Hindi pa din ako nakahanap ng oras para isipin or pag usapan man lang ang sulat ni Bea.

Buti din at hindi ito naitanong ni Deanna. Hindi ko tuloy alam kung may idea ba siya, pero feel ko kasi meron dahil nakasulat sa letter na si Deanna ang bahala sa lisensya. Still, ayaw ko munang isipin yun.

Hindi pa ako ready para harapin yung usapin na iyon. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ba ako, malulungkot, manghihinayang, or maiinis sa sarili ko. Sa ngayon, gusto ko na lang muna mafocus sa kung anong meron ako - yung chance na ipagpatuloy yung sinimulan ko dito sa SPMC. I can't waste this second opportunity to make my dreams a reality. Tsaka, Deanna and I need some catching up to do.



It's friday night, Jia and Deanna invited me to join them to get some drinks sa  bar na malapit sa hospital. Alam ko kung saan bar yun kasi wala naman silang ibang pinupuntahang bar. Medyo kinakabahan lang ako baka makita ko si Maddie and for sure, she knows na wala na kami ni Bea. Parang di ata ako ready sa kung ano man ang sasabihin niya. Plus the fact na baka makita nyang nagkakamabutihan kami ni Deanna and she might say something sa akin. Mukang lakas tama pa naman yung kay Bea, kaya malamang baka magalit yun sa akin dahil iniwan ko si Bea.

Kung tutuusin ayaw ko na talaga kasi ayaw kong mapatrouble pero itong si Jia hindi ko matangihan. Nag away daw sila ni Miguel and so she wants us na damayan siya dahil ang sakit daw ng puso nya. Nagdrama pa sa amin ni Deanna kanina sa lounge kaya napaOO na lang ako. Si Deanna din kasi mukang gusto din na sandaling makapagdestress. It's been a while too and since kasama ko naman sila, sige na nga. Maybe it will help me na maalis sa isipan ko yung mga bagay bagay.

Medyo gabi na pero nasa lounge pa din kami ni Jia. Nagpapaantay kasi si Deanna dahil medyo nadelay yung schedule ng last operation niya. Buti na lang at pumayag din tong si Jia dahil kanina ay mukang gustong pasunurin na lang si Deanna. Naramdaman nya siguro na di ako pupunta pag di kasama si Deanna.

Nakaupo kami sa sofa. Busy si Jia sa cellphone niya while ako naman may binabasang reviewer.

"Hoy Jema, tigilan mo nga yan. Friday na, kumalma ka muna. Alam mo tama na paghandaan mo yung exam, pero hindi tama na masyado mong ipressure yung sarili mo." Jia commented.

Saglit kong tinigil ang pagbabasa, nilagyan ng tanda ang pahina at binaba ang libro sa mesa.

Lumingon ako kay Jia na medyo napangiti, "Alam mo naman second chance ko na to, kaya kailangan kong pagbutihan. All my life, I've been waiting for this. I need to focus."

"I know Je, pero you have chill a bit. Tandaan mo na pag sa exam ka na, minsan practical na lang talaga iisipin mo. Besides, you are so intelligent and a great doctor, I'm pretty sure kakayanin mo yun. Alam mo bang kumalat ang balita sa buong hospital how the board applauded you last time..." she replied.

Medyo nahiya ako at napatango na lang.

"Maiba ako, alam kong okay na kayo ni Bea. Pero si Deanna, kamusta kayo? I mean kayo na diba?" she asked.

Napatingin ako sa kanya. Honestly, I don't know what to say. Medyo napatigil ako saglit.

"Kayo na ba  ni Deanna?" muling tanong ni Jia.

Umiling ako.

"What?! Seryoso?" gulat na reaksyon ni Jia.

"Uhm, di naman kasi namin napag uusapan eh." matipid kong sagot.

"Hindi napag uusapan? Pero kung makakilos kayo, wagas?!" komento uli ni Jia.

"Hindi pa talaga namin napag uusapan kung anong meron sa amin. But we both confess naman yung feelings namin sa isa't isa." I answered.

The Heart DoctorWhere stories live. Discover now