Sixteen

5.1K 168 38
                                    


Nung hapon na ay napagpasyahan naming magtrekking papunta sa talon na tanaw mula sa kubo. Sumama si kuya Jerry yung driver ni Bea, kaya lima kaming naglakad sa trail. Hindi naman ito mahirap kasi medyo malawak naman ang daanan at may mga signs na nakapaskil na pinagawa ng local tourism department sa amin. 

Si kuya Jerry ang nagbitbit ng mga pagkain while Bea insisted na siya na ang magbitbit ng bag ko dahil maliit lang naman daw yung sa kanya. Di na din ako nagpatalo. Although sanay akong independent eh hindi naman masamang hayaan ko si Bea sa gusto niya. Minsan masarap din maramdaman na nag-aalaga at nagmamahal sayo.

Napansin ko din ang ngitian nila Mafe at Ced. Alam ko na yung mga ganung tinginan. Kahit na hindi ko pa naman nasasabi kay Mafe, I'm sure she's aware of us ni Bea. She's okay naman with it the last time na nagpag-usapan namin, so I guess, I can just confirm it pag tinanong niya.

Hindi ko naman planong itago si Bea. I mean, kung pwede ko lang ipagsigawan na kami, bakit ba hindi? Pero paano ba kasi? Maybe, the best way is to tell my family first and then we'll see. Hindi din naman kasi ako sanay na may nililihim sa kanila tsaka mabuti ng alam din nila. Medyo natatakot lang ako sa mga pwedeng maging reaction pero sana matanggap nila ako - kami ni Bea.

Swerte ko lang talaga kay Bea because she isn't demanding about us. Masaya na siya to have me and she doesn't care about what others will have to say. She insists naman for me not to worry about it, basta kung saan akong comfortable, ang mahalaga daw ay kung ano yung nararamdaman namin para sa isa't isa. Tama naman siya, at least I really don't have to worry about her feelings since hindi ko pa nga maamin sa mga magulang ko.

Saan ka ba makakahanap ngayon ng taong priority ka? Yung basta masaya ka, masaya na din siya. She deserves so much more and can have so much more pero she chose me. Sana nga wag siyang magsawang piliin ako araw araw. Sana din ay mabigay ko lahat ng deserve nya.



Inabot kami ng almost isang oras sa paglalakad, eh paano ba naman at puro papicture ng papicture itong si Ced at Mafe. Sobrang dami daw kasing magagandang spots. Eh samantalang kami ni Bea ay nakakailan pa lang. Mas gusto naming ieenjoy yung nature and yung moment naming magkasama. Nagkwekwentuhan lang kai habang magkahawak ang aming mga kamay. 

She took a photo of our hands na magkahawak while walking. In fairness ang galing niyang kumuha ng angulo. She also took a photo of me na nakangiti at isang candid na gusto kong ipadelete pero sabi niya ay cute daw. Eh parang kahit anung gawin ko or hitsura ko eh cute naman para sa kanya.

Syempre hindi ako nagpatalo, I also took a photo of Bea na nakatalikod while may ray of sunlight from the tall trees. Surely pang IG yun! Nagselfie din kami using my phone. Ninakawan pa nga ako ng halik sa pisngi sa isang shot eh. Yeah, aaminin ko, kinilig ako. Sino bang hindi?! Beadel yun noh! Jusko ang daming nurse at mga hospital workers ang nagkakagusto dun, pero ako ang gusto. Choosy pa ba ako?!



May iilang tao lang dun ng dumating kami.

"Doc Jema!" Bati ng isang babaeng nakauniform ng local tourism namin.

"Hello po!" Tugon ko.

"Ako po pala si Sarah, ako po yung tourism officer dito. Welcome po! Mukang may mga kasama po kayong mga taga Maynila." Bungad nito.

"Ahh Hello Sarah, mga kasamahan ko silang doctor sa Manila, hinatid kasi naman si tatay." Sagot ko naman.

"Ay opo, nabalitaan po namin ang nangyari kay Kapitan Jesse. Mabuti po at maayos na ang kalagayan niya." Sabi ng babae.

The Heart DoctorWhere stories live. Discover now