That night, Bea let me take a rest. Siguro napansin niyang pagod din ako kaya kahit na miss nya ako ay hinayaan niya ako magpahinga sa kwarto ko. Ayaw ko na lang din munang mag isip kaya, I let myself sleep.
"Jessy!!!!" Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Pinilit kong hanapin kung saan ito nanggagaling kahit na madilim ang paligid at halos wala na akong makita.
Palingon lingon ako kung saan ko pakiramdam na nanggagaling ang boses.
Wait bakit pamilyar to. Nanaginip na naman ba ako?
"Jessyy!!!!" Muling sigaw nito na parang nasasaktan. Napatakbo tuloy ako sa direction kung saan ito nagmumula.
Bigla kong nakita ang batang si Iza na hawak ang tuhod nitong nagdudugo. Naawa ako at agad ko siyang nilapitan at pinunasan ng panyo ang sugat nito tsaka pinatahan.
"Don't worry, andito na ako Iza. I won't let you get hurt again." Sabi ko.
Napaginipan ko na to and it seems as if same pa din ang ginagawa ko. Walang nagbabago.
"Jema?" Biglang tawag naman sa akin ng isa pang pamilyar na boses.
Nilingon ko ito at nakita ko si Bea na nakacast ang braso at ika ikang lumalakad papalapit sa akin.
Bigla akong naguluhan kung iiwan ko ba ang umiiyak na si Iza at lalapitan si Bea na halatang hirap sa paglalakad.
Naguguluhan na ako. Ang sakit sa ulo. Ano ba tong pinasok ko.
Sadyang magulo pa din ang isip ko. Akala ko ba nakapagdecide na ako. Diba dapat okay na.
Tumayo ako para lapitan sana si Bea pero biglang kumapit si Iza sa kamay ko.
"Diba pangako mo sa akin na di mo ako iiwan?" Naiiyak na sabi ng batang si Iza.
Nakakalito.
Napatingin uli ako kay Bea, "Baby... Andito na ako..."
Hindi pa din ako makadecide... Si Bea ba na sobrang mahal ako na kayang ibigay ang lahat sa akin? O si Deanna na alam kong matagal na akong mahal at never nawala sa puso ko?
"Baby gising..." Rinig kong sabi ni Bea habang maingat akong niyuyugyog.
Minulat ko ang aking mata at nakita ko ang pag aalala niya.
"Shhssss, I'm here baby..." She whispered before she planted a kiss on my forehead.
Tinabihan niya ako ay niyakap. Bea really can make me calm. It's her simple gestures na lalong nakakapagpafeel kung gaano niya ako kamahal and so how can I ever betray her pure heart.
We stayed that way hanggang sa muli akong nakatulog.
The following day pagkagising ko, masaya naman akong gumising sa tabi niya. Saglit kong pinagmasdan ang maamo niyang mukha before I decided to cook breakfast for us.
Gusto ko namang bumawi kahit papaano kay Bea. Mahal ko naman siya eh.
YOU ARE READING
The Heart Doctor
FanfictionDr. Jema Galanza, a surgeon has been accepted in one of the most famous hospitals in the country - St. Paul Medical Center. With full of hopes in fulfilling her dreams and calling to serve others, she embarked to a new journey away from her family...