Gabi na ng makauwi kami sa bahay. Hindi na ako sumama sa kanilang maghapunan at dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga.
Bad mood kasi ako. Paano ba naman itong si Deanna hinayaan lang yung mga haliparot na landiin siya. Ayaw ko namang makisama saknila. Kaya inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagkain at pagswiswimming. Nakipagkwentuhan na lang din ako kay kuya Jerry at sa ibang mga tao doon.
Si Mafe na lang sinabihan ko na bantayan si Deanna at baka kung mapano. Mukang tuwang tuwa pa yung mga babae ni Deanna ng inimbitahang magmerienda. Hay naku! Hindi sila bagay sa kanya. She deserves someone na.. Someone na... Someone na basta yung bagay sa kanya.
Inis pa din ako pero pinipilit ko na lang matulog, pero pabaling baling pa din ako sa kama. Nasaan na ba yun at napakatagal. Wala ba siyang balak matulog?!
Hindi talaga ako mapakali. Napapaupo ako tapos ay hihiga uli, tapos tatayo. Ang aligaga ko talaga.
Saktong pagtalukbong ko ng kumot ay ang pagbukas ng pinto. Nagpapanggap akong tulog pero rinig ko ang usapang nina Deanna at Mafe.
"So bukas punta tayo dun sa island ahhh?" Masayang tanong ni Deanna.
"Oo ate Deanna, for sure papayag yan si ate. Ako na bahala." Mafe assured her.
"Okay, good night Mafs! See you tomorrow..." Sabi naman ni Deanna.
"Good night din ate." Paalam ni Mafe bago isara ni Deanna ang pinto.
Maya maya pa ay naramdaman ko ang pag galaw ng kama, kahit maingat pa si Deanna na tumabi sa akin sa kama. Akala siguro niya tulog na talaga ako.
Pinatay nya ang lampshade tsaka sabing, "Good night Jessy."
Inis pa din ako pero hindi na ako nagreact.
Kinaumagahan late ako nagising kasi hindi din ako nakatulog agad. Pagkababa ko mula sa kwarto ay nakita ko sina Mafe at Deanna na mukang ready na, na gumala. Samantalang ako, nakapajama pa din.
"Anak, bakit di ka pa nakahanda? Ito kape." Tanong ni nanay sabay abot sa baso ng kape.
"Nakahanda saan?" Tanong ko pabalik.
"Ehh gusto ni Iza pumunta sa Island, so sasamahan nyo siya ni Mafe. Napasok ko na yung mga dadalhin nyo sa sasakyan." Sabat ni tatay.
Napatingin ako kay Mafe.
"Tara na ate... Bihis ka na..." Mafe said.
Napansin ko namang ngumiti si Deanna. Pero inirapan ko siya at nagpatuloy sa pag inom ng kape.
Itong unggoy na to makangiti pa akala mo cute! Well, cute naman kaso nakakainis!
Dahil pakiramdam ko na wala naman akong choice kundi sumama ay nagbihis na din ako at nagready ng backpack. Hindi na ako masyado nagdala ng mga gamit kasi uuwi din naman mamaya. Pero sinuot ko ang two piece ko tsaka nagpatong ng short at t-shirt para di halata at nang makaganti man lang.
Mabilis naman kaming nakarating sa port kung saan sumasakay ng bangka na tatawid sa isla. Halos mga 45 minutes ata yung byahe sa bangka kasi medyo maalon. Pero sabi ng mga taga doon ay wala naman daw paparating na bagyo.
YOU ARE READING
The Heart Doctor
FanfictionDr. Jema Galanza, a surgeon has been accepted in one of the most famous hospitals in the country - St. Paul Medical Center. With full of hopes in fulfilling her dreams and calling to serve others, she embarked to a new journey away from her family...