Nagsleep over ako that night sa room ni MG. We talked about a lot of things, lalo na yung plans ko. She gave me advise and suggestions din. She made sure I got all the contacts na need to so I can process it agad. She was really helpful and encouraging.
She also wished me well and I also promised to come back.
"Oh hatid na kita sa bus station..." MG said pagbaba namin sa lobby ng inn.
"Wag na ang dami mo nang abono sa akin. Room lang pinabayaran mo ohhh..." I replied.
"Anu ka ba, I enjoyed naman yung mga trip natin. I might be from here pero di naman ako nakakalabs madalas. Tsaka di ka na iba sa akin." MG said happily.
"Thank you, MG ahhh, hindi ko alam what will happen sa akin if hindi ka dumating..." I said.
"I'm sure this is part of His plan. I hope to see you soon..." she said.
Tumango ako ang gave her a hug. Good feeling lang talaga.
Since she really insisted, hinatid nga nya ako sa bus station.
Pagkasakay ko ng bus agad kong tinawagan si Mafe.
"Hello ate?" she answered.
"Kamusta ka?" I asked.
"I'm okay ate... Ikaw?" she asked.
"Better... Pauwi ako ng Quezon now. Dun muna siguro ako." I said.
"Okay... Ate, kinausap pala ako ni ate Deanna..." Mafe said.
Natigilan ako pero nakabawi din ako agad and asked, "Ano daw sabi?"
"She was really begging na makausap ka nya. Ate baka pwedeng kausapin mo si ate Deanna. Naawa na din kasi ako. Nag aalala sayo yung tao." Mafe explained.
"Tell her, I will call her one of these days. I'm sorry Mafe, gusto ko kasi siya makausap in person. For now, just assure her I'm okay and I'll see her soon..." I said.
"Okay ate..." she replied before I ended the call.
Hindi naman ako mapakali habang nasa bus. I had to send a message to Deanna. Ang dami kong beses na nagpaulit ulit ng type at nagbura until I came up with this.
Deanna, I know you're still worried. I'm okay. I just really need some time. Wag ka ng mag alala and just focus on yourself. I will see soon. I promise we'll talk.
Ilang beses ko itong binasa pero sa huli ay hindi ko din sinend. Kasi... Alam ko sa puso ko na gusto ko din talaga siyang makita. Pero kailangan ko munang harapin ang mga magulang ko. I'm fixing things, one at a time. Sana maantay mo pa ako kahit konti na lang mahal ko...
Nakatulog pala ako sa kakaisip, nagising na lang ako sa isang stop over. Matapos ang ilang oras na pagbyahe ay lumipat na ako ng bus pauwing Quezon.
I used my time to fill out mga forms and send online applications. Nang matapos ko na lahat at nagpamusic na lang ako. Halos buong araw na akong nagbyabyahe at mag gagabi na.
Buti na lang at may tricycle pang pumayag na ihatid ako sa amin. Kakilala pala niya si tatay kaya buti na lang talaga.
YOU ARE READING
The Heart Doctor
FanficDr. Jema Galanza, a surgeon has been accepted in one of the most famous hospitals in the country - St. Paul Medical Center. With full of hopes in fulfilling her dreams and calling to serve others, she embarked to a new journey away from her family...