Twenty-seven

5.4K 196 92
                                    

Maya mayang konti ay may video call request na si Bea sa akin. Mabilis ko itong sinagot because I badly needed to see her.

Nakita kong nakangiti siya sa akin kahit may gasa yung ulo niya at mga gasgas sa maganda nyang mukha.

"Beiii.." Mahina kong sabi.

"Hey, baby..." She said trying to cheer me up.

I tried to smile din lalo ng maramdaman ko ang mga kamay ni Deanna sa balikat ko.

"Kamusta ate?" Deanna asked.

"Hey Deanns, I'm okay na... Wag na kayong mag-alala. Hindi ko na tatapusin yung convention. Kakadating lang nila dad, we'll cross the borders later pag may clearance na ako. I'll have to stay there muna until kaya ko na uli lumakad ng maayos and get back there. I'm really sorry Jema..." Paliwanag ni Bea.

"Okay lang... Ang importante okay ka and magpagaling ka please... I miss you..." Sabi ko kay Bea.

"I will baby... Andyan naman si Deanna eh, hindi ka naman papabayaan nyan. Deanns ahhh si Jema..." Bilin ni Bea.

"Don't worry ate, ako bahala while you are away." Sagot naman ni Deanna.

"Thanks uli Deanns, nga pala, I need you to go to Quezon next week. Nakaschedule kasi groundbreaking ceremony eh, mukang hindi pa ako makakauwi. Mabuti din yun para magkita kayo uli. Jema, samahan nyo ni Mafe si Deanna, please? Yung documents and if may kailangan kay Doc G nyo na lang kunin." Patuloy ni Bea.

"Okay ate, ingat ka please and pagaling ka agad... I will leave you and Jema muna.." Paalam ni Deanna bago ako iniwan sa kwarto.












"I was so worried Bei... If pwede lang ako pumunta dyan.." I told her nung kami na lang ang nag uusap.

"It's okay baby... No need to come here, uuwi ako agad as soon as I can. Need ko lang magpagaling..." Bea replied while she moved the camera for me to see her left arm with a cast then yung mga sugat sa binti nya.

Hindi na maipinta ang mukha ko sa sobrang alala.

"Sayang hindi kita maaalagaan." I told her.

"It's okay, we'll get a nurse and I promise, we'll video call every day." Sagot ni Bea trying to make me feel better.

Tumango na lang ako.

"Cheer up baby... Kamusta pala kayo diyan? Pasaway ba yung kapatid ko?" She asked.

Umiling ako, "Hindi, mabait si Deanna. Okay naman na kami. Even sa hospital medyo okay naman."

"Medyo?" Bea asked curiously.

I grin.

"Diba wala tayong lihiman, may nangyari ba?" She asked.

So wala na akong nagawa kundi ikwento sa kanya yung tagpo namin ni Maddie sa bar and yung naging usapan namin ni Mika.

Nakinig naman ng mabuti si Bea, nakaear phones na din ito.

She chuckled when I finished the story.

"Bei naman eeeehhh!" Saway ko sa kanya.

"Selos ka ba?" Nang aasar nyang tanong.

Inirapan ko siya.

"Cute mo pag nagseselos..." She said ng malambing kaya napatingin ako sa kanya.

"I love you Jema. Alam mong ikaw lang... Kahit sino pa magkagusto sa akin wala akong pakialam. Tsaka wag mong isipin yung sasabihin ng iba, wag kang mainsecure kasi to me you are perfect!" Bea said.

The Heart DoctorWhere stories live. Discover now