009 : Poem

26 7 2
                                    

Sa bawat masasakit na salita,
Isang puso ang patuloy na lumuluha
Sa bawat hampas ng latigo,
Isang puso ang humihingi ng saklolo.

Sa bawat patak ng ulan,
Isa-isang bumabalik ang nakaraan,
Ang nakaraan na pilit kong tinalikuran,
Na dala'y puro sakit na ayaw nang maramdaman.

Kahit ayaw nang balikan,
Patuloy pumapasok sa munting pintuan,
Lahat ng sakit na gustong iwan,
Sa aki'y gumagambala't di makalimutan.

The UntoldWhere stories live. Discover now