005 : Poem

33 10 3
                                    

Mahal, handa na muli akong lumaban,
Dala-dala ang mga armas para sa digmaan,
Ngunit ikaw pala'y nasa iba ng laban,
Patungo na kayo sa ipinangako mong buwan.

Ang sabi mo'y walang hanggan,
Ngunit simula pa lang nang ika'y lumisan,
Mahal, saan ba ako nagkulang,
At ako'y iniwan mong sawi at luhaan.

Ang sabi mo'y tayo hanggang dulo,
Ngunit bakit iba na ang kasama mo sa barko,
Sa barkong naglalayag na palayo,
Palayo sa ating mga pangarap na binuo.

Mahal, narito na ako sa dulo,
Talunan at handang sumuko,
'Pagkat ako'y talo na sa digmaan,
Kaya't uuwing ang puso'y duguan.

Ika-siyam ng Pebrero,
Nang ako'y tuluyang sumuko't huminto,
Lahat ng pangarap na aking binuo,
Kasama ka'y unti-unti nang maglalaho.

Ang pag-ibig nati'y tila isang laban,
Kailangan ng armas at ng buong sandatahan,
Na nais ipanalo, ayaw umuwi nang luhaan,
Ngunit dito'y ako'y iyong tinalikuran

Napakaraming tanong dito sa isipan,
Ngunit kahit isa'y walang kasagutan,
Gusto lang namang malaman,
Kung bakit tumigil ka sa gitna ng digmaan,

Lahat-lahat ng ating pinagsamahan,
Napakabilis mo lang palang kinalimutan,
Binigyang tuldok at ng katapusan,
Nauwi lahat sa "mahal, kailangan ko nang lumisan".

The UntoldWhere stories live. Discover now