Iniwan o nangiwan?
"Let us have a debate. Your class will be divided into four. Group 1 versus group 2, group 3 versus group 4, and winner versus winner," anunsiyo ng aming guro sa Philosophy.
Noon pa man ay wala na akong hilig sa pakikipagdebate. Siguro ay hindi na lang ako magsasalita at hahayaan na lang ang grupo kong ipagtanggol ang panig namin.
"We only have one rule here. Lahat ng miyembro ng inyong grupo ay kailangan magsalita at ipaglaban ang side niyo."
Okay, I'm doomed, sir.
Nagsimula na ang bilangan para makabuo ng mga grupo. Kabilang ako sa group 3 kaya mamaya pa kami makikipagdebate. Ang naibigay na topic sa mga unang grupo ay kung alin ang mas nauna, itlog ba o manok.
Ang parehas na grupo ay nagbibigay ng matibay na ebidensiya para maipanalo ang kanilang panig hanggang sa unti-unti na itong nauwi sa biruan at tawanan. Natapos ang kanilang debate at ang group 2 ang itinanghal na panalo.
"Para sa group 3 at group 4, eto ang topic niyo. Sino ang mas nasasaktan? Ang iniwan o ang nang iwan?"
Hindi ko alam kung nananadya ba ang tadhana. Iyan talaga ang natapat na topic sa amin. Dahil group 3 kami ay kami ang unang magbibigay ng pahayag.
"Mas nasasaktan ang iniwan," pagsisimula ng kaklase kong si Ian, "sino ba namang tao ang gugustuhing iwan?"
Matapos sabihin iyon ay agad siyang umupo. What a lame argument you have there, Ian. Sumunod na tumayo ang mauunang magsalita sa kabilang grupo. Nagtuloy-tuloy ang batuhan ng pahayag ng mga linya hanggang malapit nang maubos ang mga hindi pa nakapagsasalita.
"Next, group 3!" anunsiyo ni sir.
"Tapos na ako."
"Ikaw naman, Marie!"
"Tapos na rin ako!"
"Group 3!" muling tawag ni sir sa aming grupo.
"Si Islah, hindi pa nagsasalita!"
Nagtinginan silang lahat sa akin at naghihintay sa pagtayo ko. Sabi ko nga, magsasalita na. I hate debates!
Tumahimik ang lahat nang tumayo ako.
"Mas nasasaktan ang iniwan kaysa sa nang iwan. Bakit? Kasi patuloy niyang kukuwestiyunin ang sarili niya kung bakit siya iniwan. Saan ba ako nagkulang? Ano bang nagawa kong pagkakamali? Bakit ako iniwan? Sa taong gusto lang mahalin at pahalagahan, patuloy na magiging tanong sa kaniyang isipan kung bakit ba siya iniwan."
Nanatili akong nakatayo matapos sabihin iyon. Diretso lang ang tingin ko sa kaniya at ganoon din siya sa akin—diretsong nakatingin sa mga mata ko.
"Mas nasasaktan ang nang iwan. Hindi ibig sabihin na iniwan kayo ay masama na ang mga nang iwan. Everything happens for a reason. May dahilan kaya kayo iniwan. At ang dahilang iyon ay paniguradong para sa ikabubuti niyo."
Pagkontra ni Zeb sa sinabi ko. Siya na lang din siguro ang hindi pa nagsasalita sa kanilang grupo.
"Ikabubuti? Ikabubuti ba ng isang tao ang patuloy na pag-iyak tuwing gabi, ang patuloy na pagkuwestiyon sa kaniyang halaga, ang walang sawang pag-iisip kung anong nagawa niya, at ang walang tigil na pagkadurog ng puso niya dahil sa ginawa niyong pag-iwan? Ikabubuti ba ng isang tao ang iwan siya nang walang sinasabing dahilan?"
Alam kong isang beses lang pupuwedeng magsalita ngunit hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Dire-diretso akong sumagot sa sinabi niya.
"Uulitin ko, Islah. May dahilan kung bakit nang iiwan ang isang tao."
"Bakit, Zeb, ano ba ang dahilan mo?"
Sa isang iglap ay biglang tumahimik ang buong silid nang bitawan ko ang mga salitang iyon.
"Islah.."
"Oo, may dahilan kaya iniwan ang isang tao. At may dahilan din para ayusin ang lahat at maisalba ang relasyon. Kung sana ay sinabi niyong mga mang iiwan ang dahilan niyo, sana ay nagawan ng paraan. Baka sakaling magawa pang maitama ang pagkakamali, magawa pang punan ang pagkukulang, at magawa pang linawin ang mga bagay na unti-unti nang lumalabo."
"May dahila—"
"Uulitin ko, Zeb, ano bang dahilan mo kaya mo ako iniwan? Baka kapag sinagot mo ang tanong ko ay masabi kong, oo, mas nasasaktan ang mga nang iwan."
YOU ARE READING
The Untold
PoetryA collection of lame one shot stories, ugly poems, and random thoughts. In short, a collection of trashes.