004 : Poem

35 9 2
                                    

Gusto kong sumulat ng isang tula,
Kung saan nakapaloob ang kuwento nating dalawa,
Sa kung paano tayo nagsimula nang masaya,
At nagtapos na puno ng luha.

Gusto kong sumulat ng isang tula,
At ilahad kung paano sa atin namutawi ang saya,
Kung paano tinalikuran ang poot na nadarama,
At kung paano bigkasin ang matamis na "mahal kita".

Gusto kong sumulat ng isang tula,
Ngunit maaari bang puro na lang simula,
Maaari bang hindi ko na wakasan pa,
'Pagkat sa pagtatapos nito ay pagtatapos din nating dalawa.

Gusto kong sumulat ng isang tula,
'Yong walang wakas at puro lang simula,
'Pagkat itong manunulat na nagtitipa,
Ay takot marating ang dulo kung saan wala ka na.

The UntoldWhere stories live. Discover now