020 : Short story

17 4 0
                                    

Fourth year highschool ako noong nagdesisyon ang mga magulang ko na iuwi ako sa probinsiya. Ang sabi nila mas matututukan ako roon at mas mabuti raw para sa kalusugan ko ang sariwang hangin. Limang taong gulang kasi ako noon nang malaman na may sakit ako.

Iyon ang unang beses kong makakapunta sa probinsiya. Laking Manila si daddy kaya napagdesisyunan nilang sa Manila na lang din kami tumira. Pero ngayon, dahil sa sakit na ‘to, napagpasyahan nilang dito na sa probinsiya manatili. Hindi ko akalain na malaki pala ang lupain nila mommy rito. May malawak din silang palayan, nariyan pa 'yong malaking kwadro ng mga kabayo. Pangarap ko rin talagang makasakay doon.

Isang linggo na mula noong lumipat kami rito pero kahit ni isang kaedaran ko ay wala akong makita. Puro mga may edad na ang trabahador nila mommy. Ang sabi nila, tuwing umaga raw ay bumibisita rito ‘yong apo ng taga-pangalaga ng mga kabayo namin. Kasing edad ko lang din daw ‘yon, pero dahil sa lagi akong tinatanghali ng gising, kahit isang beses ay hindi ko pa siya nakikita.

Sabado noong napagdesisyunan kong mag-alarm para magising nang maaga kinabukasan. Gusto ko kasi talagang makita ‘yong sinasabi nila. Gusto ko rin kasi ng kaibigan. Mahina ang signal dito sa probinsiya kaya hindi ko masyadong nakakausap ang mga kaibigan ko sa Manila. Kamusta na kaya sila?

Dali-dali akong bumangon at naligo nang magising dahil sa alarm. Hindi na ako dumiretso pa sa kusina kahit na tinatawag ako ni mommy para sa almusal. Nagtungo agad ako sa kwadro ng mga kabayo, nagbabaka sakaling makita ko ‘yong sinasabi nila. Si daddy ang naabutan ko roon.

“Good morning, Ella. Sinong hinahanap mo? Gusto mo bang sumakay ng kabayo?” tanong ni Daddy nang mapansin akong palinga-linga sa paligid.

“Good morning, dad,” bati ko sa kanya saka humalik sa pisngi. “Hinahanap ko po ‘yong apo ni Mang Robin, ‘yong tagapangalaga ng mga kabayo natin. Nakita niyo po ba siya? Gusto ko po siyang makilala.”

“Naroon na sa loob. Inimbitahan ng mommy mo para magbreakfast. Hindi mo ba siya nakita?”

Agad akong tumakbo pabalik ng bahay nang sabihin iyon ni daddy, ni hindi ko na rin nasagot ang tanong niya. Bago pumasok sa dining area, inayos ko muna ang suot kong dress at ang nagulo kong buhok dahil sa hangin.

“Good morning, mommy!” Agad kong bati kay mommy nang makapasok ako. Kunwari pa ay hindi ko alam na may ibang tao roon. Lumingon naman ako sa bisita na kumakain saka tinuro siya, “sino po siya?”

“Siya ‘yong apo ni Mang Robin, Ella,” pagpapakilala ni mommy.

Nag-angat naman ng tingin ‘yong lalaki. Totoo bang kaedad ko lang ‘to? Hindi siya mukhang 16! Hindi siya maputi, hindi rin maitim. Katamtaman lang ang kulay niya, moreno kung tawagin. Nakasuot lang din siya ng puting t-shirt at maong na pantalon. Sinilip ko pa ang paa niya sa ilalim ng lamesa. Wala siyang suot na kahit na anong sapatos o tsinelas.

“Hi! Ako si Ella. Anong pangalan mo?” Agad akong lumapit sa kaharap niyang upuan saka nag-abot ng kamay. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni mommy bago ihanda ang gagamitin kong plato at kubyertos.

“Jack.” Nakita ko pang nilingon niya si mommy bago sabihin ang pangalan niya.

“Hi, Jack. Nice to meet you!” Binati ko siya pero tanging tango lang ang sagot niya. Ang suplado naman nito.

Nagtuloy-tuloy ang pag-uusap namin. Magtatanong ako nang magtatanong at sasagot naman siya nang napakaikli. Parang ayaw ata akong kausap. Nalaman ko rin na hindi ko siya kaedad. Sa susunod na buwan ay 20 years old na siya!

Dahil pursigido akong maging kaibigan siya, inaraw-araw ko na ang pag-aalarm para magising ako nang maaga at makasabay siya sa almusal. Tumagal iyon ng dalawang linggo. Sa loob din ng dalawang linggo na ‘yon, humahaba na rin ang mga sagot niya sa mga tanong ko. Mukhang nasasanay na rin siya sa presensiya ko. Dalawang linggo na lang din ay birthday niya na. Nagpatulong pa ako kay daddy kung anong magandang ibigay na regalo para sa kanya.

The UntoldWhere stories live. Discover now