Muling nakatanaw sa papel de kalendaryo,
Nagtatanong, naguguluhan, 'di malaman ang totoo,
Araw, buwan, taon, oras ay nagkakagulo,
Muli bang susulat ang makatang ito?Tumigil at huminto dala ng hagupit ng bagyo,
Mga pagkutyang tumarak sa munti niyang puso,
'Di alintana dala ng bahaghari sa dulo,
Madadapa, ngunit para sa pagtutugma'y patuloy na tatakbo.Siya ma'y bilanggo ng takot na namuo,
Ngunit muling lalayag sakay ang barko,
At muling uukit sa papel na bato,
Mananatiling lalaban sa panahong negatibo.

YOU ARE READING
The Untold
PoetryA collection of lame one shot stories, ugly poems, and random thoughts. In short, a collection of trashes.