026 : Short Story

7 1 0
                                    

"Hindi ka pa ba aalis, anak?"

Kasalukuyan akong nakatingin sa langit nang lumabas si itay mula sa loob ng bahay. Tanging maliit na kubo lang ang tirahan nila ni ina.

"Aalis na rin po ako maya-maya," tugon ko na sinundan ng ngiti.

Sa tuwing sasapit ang alas siete ng gabi, lagi akong pinapaalis ni itay. Nagtayo rin siya ng maliit na kubo sa dulo ng batis. Doon niya ako pinatutulog tuwing gabi. Ilang ulit kong tinanong ang dahilan, ngunit tanging ngiti lang ang sagot niya sa akin.

"Bakit ba lagi mo na lang pinaaalis ang anak mo, Arman?"

Sabay kaming napalingon ni itay sa kalalabas lang na babae. Nakasuot siya ng puting bestida. Sabi ng iba'y kamukhang-kamukha ko raw si ina. Kuhang-kuha ko raw ang kanyang mga mata.

Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kahoy na upuan at tumakbo sa gawi ni ina. Ilang buwan na rin mula noong hindi ko sila nakakasama tuwing gabi.

"Mas makabubuting hindi siya mananatili rito sa bahay, Amanda," sagot ni itay.

Matapos ang saglit na pag-uusap, tuluyan na rin akong umalis. Nakasanayan na ni itay na ihatid ako hanggang sa dulo ng batis para masigurado niya raw na ligtas akong makakarating doon.

Kahit pa na punong-puno na ako ng kuryosidad, minabuti ko na lang na hindi na magtanong pa. Alam ko rin namang para sa ikabubuti ko ang ginagawa ni itay.

Nagdaan ang maraming araw na paulit-ulit lang ang nangyayari. Sa tuwing uuwi ako sa pagsapit ng alas otso ng umaga ay saka pa lamang darating sila inay at itay. Nakabalot lagi si ina ng puting tela na siyang ipinagtataka ko.

Sa tuwing tatanungin ko si itay kung bakit ganoon ay tatango at ngingiti lang siya sa akin.

Isang gabi, matapos akong ihatid ni itay sa dulo ng batis at masigurado kong hindi na ako matatanaw ni itay, pasimple ko siyang sinundan pauwi. Tila ba may nag-uudyok sa aking umuwi at alamin ang katotohanan.

Nang marating ang aming bahay, nagtago lang ako sa likod ng malaking puno. Sigurado akong paaalisin lang nila ako kapag nalaman nilang umuwi ako.

Makalipas ang ilang oras na paghihintay, isang malakas na sigaw at ungol ang nagpagising sa diwa ko. Agad akong naalerto sa pag-iisip na may panganib sa paligid.

Nang lingunin ko ang gawi ng aming bahay, isang malaking lobo ang lumabas mula roon. Kasunod niya ay ang aking ama. Sa hindi malamang dahilan, tumambol nang pagkalakas ang aking dibdib.

"Tay..."

Lumabas ako mula sa pinagtataguan at tumakbo sa gawi ni itay. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang labis na pagkagulat at pag-aalala.

"Anong ginagawa mo rito?!"

Sa pagsigaw ni itay, nakuha namin ang atensyon ng malaking lobo. Ngayong tanaw ko siya sa malapitan, malinaw kong nakita ang pagkintab ng kanyang puting buhok. Ang makikinang niyang gintong mga mata ay tuluyang napalitan ng pula.

"Tay, umalis na tayo!" sigaw ko saka hinila ang laylayan ng damit ni itay.

Sa halip na sumama, kinalas niya ang pagkakahawak ko sa kanya. Tinulak niya lang din ako na siyang naging dahilan ng pagtumba ko.

Sa isang iglap, tumilapon din palayo si itay. Humarang ang malaking puting lobo sa aking paningin. Tinatakpan niya na rin ang liwanag ng buwan.

Labis na takot ang naramdaman ko. Tila ba umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking ulo at nanlamig ang aking buong katawan. Gamit ang nanginginig na mga kamay, pinilit kong gumapang paatras sa kanya.

The UntoldWhere stories live. Discover now