PROLOGUE

5K 53 8
                                    

14 years ago

"This is it! This is the key for the Human Evolution!" Galak na bulalas ni Dr. Harold B. Stanford.

"I didn't think that our hard work will finally pay off. Who would have thought that the foreign virus specimen we've collected from the meteorite will mutate into something that may change the history of Humankind for good."

"That's right, if we can make this a success we'll never have to fear death anymore!" masayang tugon ni Professor James F. Lee."

Sina Dr. Stanford at Prof. Lee ang leader ng research team na binuo ng METAII Corporation isang malaking international company na namamahala sa paggawa at pagtuklas ng mga makabagong gamot, gayundin ang pag develop ng mga high-tech na medical equipments, layunin nilang malunasanang lahat ng uri ng sakit at higit sa lahat ay makatuklas ng paraan para labanan ang bagay na kinatatakutan ng lahat, ang kamatayan.

Recently ay abala ang research team nina Dr. Stanford, pinag-aralan nila ang modified virus specimen na nakuha nila mula sa meteorite sample na natagpuan sa Sahara desert 5 years ago. Tinawag nilang Primate Selective Alien Virus o P-Virus ang nasabing virus, ito ay dahil tanging mga hayop lamang na kabilang sa primate category katulad ng mga ungoy, chimpanzee, gorilla at maging mga tao ang naaapektuhan nito.

Nagsagawa sila ng di mabilang na experimento sa nasabing virus gamit ang mga hayop na primate, natuklasan nila na ang virus ay nagdudulot ng pagkabaliw at pagiging agresibo sa 97.10 % ng mga apektadong hayop at mayroon lamang 2.90% na hindi apektado dahil may natural immunity umano ang mga ito sa virus. Nakagawa na rin sila ng vaccine o pangotra sa P-Virus, once na mabakunahan ang test subject ng nasabing vaccine ay hindi na umano ito magkakasakit, subalit walang epekto ang vaccine sa mga hayop na dati nang may sakit, kapag itinurok ang vaccine sa mga hayop na dati nang apektado ng virus ay mamamatay ito kasama ang virus.

Pagkatapos ng mahigit limang taon ng pag-sasaliksik, sa wakas ay nagkaroon na ng matatawag na "breakthrough!" ang research nina Dr. Stanford at Prof. Lee. Natuklasan nila na kapag ininject ang P-Virus sa fetus ng isang hayop na may natural immunity ay magkakaroon ito ng mga pambihirang kakayahan, tinawag nila ang mga ito bilang GEO o Genetically Enhanced Organisms.

Matapos ang nasabing tagumpay ay bigla nalang pinaslang si Dr. Stanford, habang si Prof. Lee naman ay naglaho na parang bula kasama ang lahat data at information na may kinalaman sa P-Virus.




.....the story continues 14 years later.











AUTHOR'S NOTE:

FINALLY nai-upload ko na din po itong story ko na matagal ko nang pinaplano. Please support this story, I will do my best to give you a quality work. Bagong writer lang po ako, this is actually my second story kaya sorry for some Grammar and Spelling errors, I'll do my best to fix them.

To all my readers I humbly offer to you the fruit of my work.

PLEASE NO PLAGIARISM! PLAGIARISM IS A CRIME! DO NOT COPY!

GENESIS of ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon