Vince's Point of View
NAGTATAGO kami ngayon dito sa loob ng Ice Breaker Halo-halo fast food na malapit lang sa university na pinapasukan namin. Ate Maui said someone had contacted her before this events occured. According to her source we should get inside of the U.S. E, magiging ligtas daw kami sa loob nito. I don't know if we can trust this person but we don't have a choice right now, finding a place for refuge is our first priority. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-sisink sa utak ko ang lahat ng mga nangyari. Just about an hour ago everything was still normal, bakit ba nagkaganito? The roads and the streets are a total mess! Nag-karambola ang mga sasakyan sa highway, imposible sa amin ang makarating dito kung hindi dahil sa motorsiklo ni Ate na kayang sumingit kahit sa mga makipot na daan at mga nagbanggaang sasakyan.
This is it! This really an apocalypse! The one that I used to watch from the movies, ngayon ay nagka-totoo na. People are going crazy and violent everywhere, we have taken out several of those habang papunta kami dito sa school. I stab one of them on the heart using a kitchen knife but it won't stop, hitting the head can do the Job. I'm not sure of it but these creatures are similar to those infected people in the movies, they are zombies! Ate Maui's dorm is near at the U.S.E but she rushes towards our house after learning the situation to fetch us but it's a bit late already, my parents had already turned into one of those mindless creatures.
Luckily, Ate Maui's Dad Uncle Barry is working as an electrical engineer in Japan so she shoudn't have to worry about him for now assuming that this epidemic have not reached that place yet, her mom died several years ago from leukemia kaya kahit papaano ay wala siyang masyadong inaalala maliban sa akin.
"Vince, kailangan na nating makapasok sa loob! Masama na ang pakiramdam ko, hindi ako sigurado pero maaaring maging katulad na rin nila ako." sabi ni ate.
Halos hindi ko na napansin ang kalagayan ni Ate Maui, marahil masyado pa akong shocked sa mga nangyari. Lumalalim na ang kanyang pag-hinga at nag-sisimula nang manilaw ang kanyang mga mata at balat, ito ay kadalasang sintomas ng hepatitis subalit alam kong hindi ito ang dahilan.
"H-ha anong ibig mong sabihin Ate? M-may sugat ka ba? Nakagat ka ba nila!" Tarantang tanong ko. I can't lose her here, she's the only remaining family that I have.
"Wala, tingin ko ay hindi lamang sa kagat o sugat naipapasa ang sakit na ito. Maaaring naipapasa sila katulad ng sa flu or by just a simple contact with other people who are carrying this disease. Hindi natin alam baka ikaw ay mahawa rin, kaya kailangan na nating makapasok sa loob ng U.S.E!" nag-aalalang sagot nito. She's starting to breath heavily which makes me worry more. Ayokong pati kami ay matulad din sa kanila.
Tumunog ang phone ni Ate, isa itong phone call.
"Hello! Malapit na kami, na trap kami dito sa may Ice Breaker, please tulungan niyo kami. Pakiramdam ko ay di na ko magtatagal!" paki-usap ni Ate sa taong kausap nito sa phone.
"Naiintindihan ko, we will get you out of there right now!" tugon ng babaeng kausap niya sa telepono.
"Halika ka na Vince, maghanda na tayo! We're going to get out of here!" she said.
Maingat at dahan-dahan kaming lumabas ng fast food, bawat yabag ng mga paa ko ay kasabay ang malakas na pag-kabog ng dibdib ko. Isa sa mga "baliw" ang pasuray-suray na naglalakad palapit sa kinaroroonan namin. I need to do something, if my theory is correct, these creatures are not smart and can be tricked very easily. Nag-hagis ako ng isang softdrink can sa kabilang direksyon, tulad ng inaasahan ay lumiko ito at sinundan ang pinanggalingan ng tunog.
Maya-maya pa ay nakarinig kami ng malalakas at makakasunog na putok ng baril na siyang nagpabagsak sa mga "zombies" sa paligid. Tumigil sa harapan namin ang isang Chevrolet Colorado. Ibinaba ng isang lalaking nakasuot ng shades ang salamin ng kotse.
BINABASA MO ANG
GENESIS of Z
FantascienzaThis is a Science Fiction, Action, Romantic, Mystery-horror story. An alien virus discovered from a meteor impact crater in Sahara desert had mutated and will change the world as we know it. Maximo Jacobs a young professor and scientist had set into...