CHAPTER 19: Crash

23 1 0
                                        

Vince's Point of View

NARIRINIG ko na ang unti-unting pagkalas ng mga materyales na bumubuo sa scaffolding, fortunately Sir Maxe had successfully boarded the Helicopter which is our main objective. Kung ito na ang magiging kapalaran ko ay tatanggapin ko na, pero sana man lang ay may nagawa ako para mailigtas itong si Morgiana.

Morgiana suddenly turns, she lowers her back and gesture at me to come. What is she doing?

"Vince sakay ka si likod ko, bilis!" she said.

Ako sasakay sa likod niya?

"Ano?" nalilito kong tanong

"Wag nang maraming tanong sumakay ka nalang!" utos niya.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya pero sumakay nalang ako. Hindi ko gustong gawin to lalo na't may kabigatan din ako, I'm the 3rd biggest student in our class. But seeing how she easily launched Sir Maxe into that height, there no reason to doubt her strength.

The moment the scaffolding collapse she performs a mega leap to reach the other establishment with me carrying in her back. We landed hard into the balcony, nasa kabilang bakod ito ng scaffolding, wow her legs are pretty damn strong! Nag pagulong-gulong kami ng bumagsak at nagtamo ng ilang mga galos.

Sinubukan kong tumayo pero napakasakit ng binti ko, nabalian yata ako.

"Ayos ka lang Vince? Patingin ng binti mo!" she asked.

Hiniwakan niya at sinuri ang paa ko na ngayon ay nag-sisimula nang mamaga kaya napa-ngiwi ako. "Aray!" sigaw ko matapos niyang pisilin ito ng marahan.

"Sshhhh! Gusto mo bang marinig tayo ng mga undead? Mukhang di ka naman nabalian, this looks like an ankle sprain to me." Sabi niya, it's a bit reassuring to hear that.

"Tingin ko ay isang 3 storey apartment ang gusaling ito kagaya ng isa mga apartment na pinapa-upahan nina Tito Barry. Medyo malaki ito at mukhang bago pa." Saad ko matupos kong pag-masdan ang structure at desinyo ng gusali.

"Kung totoo yan ay posibleng may mga nakatira dito, marahil ngayon zombies na rin sila." Dagdag ni Morgiana. I almost forget about that, kailangan naming mag-ingat sa pagpasok, di mo alam kung ano ang bubulaga sa amin pag-pasok sa loob. Ganitong ganito yung mga jumpscare na mapapanood mo sa horror films, yung tipong aangat talaga ang puwet mo mula sa upuan.

Dahan dahan kong binuksan ang screen door para pumasok sa loob ng biglang,

"RAAARRGH!" Sinungaban agad ako ng undead, natumba kami sa sahig. Nasa ibabaw ko siya at unti-unti nitong inilalapit nakakadiri at mabahong niyang bibig sa mukha ko. Hinatak ito ni Morgiana, tinadyakan sa sikmura at SHEEEK! Malinis na pinugutan niya ito ng ulo.

Halos mailuwa ko ang puso ko dahil sa pagkagulat, sa buong buhay ko ay di pa ko humangos ng ganito. Nasuka na rin ako dahil sa baho ng laway na tumulo sa mukha ko, parang bulok na sardinas ang kulay nito.

"Hey okay ka lang ba, nakagat ka ba?" nag-aalalang tanong niya.

Na-upo muna ko saglit, I need to rest a bit to gather my thoughts, muntik na kong atakihin sa sa puso, ito yung literal na papatayin ka sa sindak."

"I'm fine, well just barely fine. Ano bang problema ng mga to sa akin bakit ako nalang lagi ang pinupunterya nila? Mukha yatang may galit sila sa'kin eh." Buntong hiningang sabi ko.

"Hmmp... tingin ko gusto ka nila, feeling ko na-cucutan sila sa'yo!" nakangiting sabi ni Ana.

"Ako cute? Tingin mo cute ba ko?" I asked curiously.

"Oo naman bakit?" sagot niya na tila di man lang nag-isip. Ang ibig bang sabihin nito ay gwapo ako sa paningin niya ayeeeh! Wait hindi ito ang tamang oras para kiligin, I almost die just now.

GENESIS of ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon