Maxe's Point of View
NASA alanganin kaming sitwasyon ngayon. Napapaligiran kami ng di mabilang na mga undead. Nag take off na rin ang helicopter na dapat sana ay susundo sa amin kanina, wala na kaming mapupuntahan.
"Raaarrgh!" patakbong sinugod ng isang undead si Vince, mabuti nalang ay maagap ako. Tindadyakan ko ito at pinagtataga ng hawak kong itak. Marami nang pinsala ang halimaw subalit hindi pa rin siya tumigil at nagawa pa nitong kagatin ako sa kaliwang binti.
"SHEEEK!" Tunog ito ng machete na humiwa sa leeg ng undead. Humiwalay ang ulo niya sa katawan at bumagsak sa lupa. Si Ana ang tumaga dito.
"A-are you alright? Nakagat ka ba?" tarantang tanong niya.
"Nakagat ako, ibig sabihin ba nito magiging zombie na rin ako?" bulalas ko.
"Hindi po, dahil lahat ng natitirang survivors sa mundo including us ay may natural immunity na sa virus. Ang problema natin ay masyadong toxic ang kagat ng isang cadaveroid, not to mention ang iba't-ibang klase ng pathogenic bacteria na nasa bibig at laway nila, mas delikado ito kaysa sa mismong toxin. Ang sino mang makagat nila ay maaaring mamatay kung hindi sila malulunasan sa loob ng isang oras." Paliwanag ni Vince, namutla ako pagkatapos marinig iyon.
"A-anong gagawin natin? Hindi natin pwedeng hayaan na may mangyari kay Kuya, di ba ang sabi mo ay siya ang susi para matapos lahat ng ito?" Tarantang saad ni Ana."
"Alam ko, may antidote sana kaming dala na nasa chopper subalit umalis na sila, let's just hope na bumalik sila kaagad. I'm pretty sure na babalikan nila tayo." Tugon naman ni Vince.
"Let's get out of this place first! Paparating na sila!" sigaw ko.
Tumakbo kami papunta sa may main road kung saan ko ipinarada ang aking sasakyan subalit marami na ring zombies ang nag-tipon doon.
"Napapaligiran na nila tayo, katapusan na ba natin?" sambit ni Vince na tila nawalan na ng pag-asa.
Nakita ko ang "scaffolding" ng isang ginagawang establishment, mukhang bago pa lang itong nasimulan at di na natapos dahil sa pandemia.
"Tara doon tayo!" sabi ko.
Mabilis kaming tumakbo at inakyat ang scaffolding, kinapitan ng isang undead kanang paa Vince subalit agad naman itong tinadyakan ni Ana at nahulog. These creatures have a very low intelligence and very poor body-motor coordination, they're very clumsy and struggle to climb properly kaya kaagad rin silang nalalaglag kapag nag-uunahan. Kapag may isang nauuna sa pag-akyat ay agad naman itong kinakapitan ng mga nasa ibaba dahilan upang magsi-laglagan sila, crab mentality at its best.
Narating na namin ang tuktok ng scaffolding subalit nawalan na ng lakas ang mga binti ko, parang na-paralisa ito kaya bumagsak ako. Mukhang nag-sisimula nang umepekto ang toxin.
"Kuya!" agad akong inalalayan ni Ana.
Mukhang bibigay na ang scaffolding, napakaraming undead ang nag-uunahang maka-akyat. Umuuga ito ng husto dahil sa bigat at anumang oras ay masisira na ito, kapag nangyari iyon ay mahuhulog kami sa daan-daang zombies na nasa ibaba at siguradong katapusan na namin.
"Guys tingin kayo sa taas, binalikan nila tayo!" Bulalas ni Vince.
Claire's Point of View
IT'S been 3 days since the spread of the infection, the guilt inside my chest is suffocating me. In the end I failed to save everyone. Now I'm here hiding in this place while being useless.
"O Claire, why are you still here outside? Pasok ka na sa loob at malamig ang panahon, baka siponin ka pa." pag-aalala ni Dr. James.
"Hindi ko inaasahan na maaga nilang ire-release ang virus. Kung naunahan lang sana natin sila sa pag-release ng anti-virus, kahit na ipakalat pa nila ang P-Virus ay di rin ito magtatagal at tuluyan ding mawawala. Kung nagawa ko lang ng mas maaga ang dapat kong gawin ay hindi sana nangyari ito, nailigtas sana natin ang bilyon-bilyong buhay na nawala." Sambit ko.
"Huwag mo nang isipin yan, nangyari na ang nangyari. Mautak si Edward marahil ay natunugan niya na may magtratraydor sa kanya kaya ini-release niya ang P-Virus kahit wala pang approval ng board. Wala na tayong magagawa kundi ipagpatuloy ang plano, that's the only way we can atone for our sins." Matamlay na tugon niya.
These past days ay walang maayos na tulog si Doc, mas lalo pa itong naging busy simula nang kumalat ang pandemia. Nag-aalala ako na baka mapano siya since no one can replace him.
The blood of billions are in our hands and it's killing me inside each day. However I must keep going for the sake of humanity's future."
Maxe's Point of View
THANK goodness binalikan kami ng chopper, ang problema ay walang lakas ang tuhod ko para man lang makatayo, it was very painful at nag-sisimula nang manghina ang buo kong katawan. At any moment ay babagsak na ang scaffolding, gumigewang na ito. Nag-baba na ng rescue ladder ang Chopper but they are still a bit too high, we may not make in time before this scaffolding breaks.
All of a sudden ay bigla akong niyakap ni Ana.
"You said to me earlier that you love me although it's not necessarily in a romantic way, but I still appreciate it. Let me also tell you this, I love you in every possible way, you're my treasure so I cannot afford to lose you here." She said while staring into my eyes.
Nabigla nalang ako when she suddenly lifts me up and with a single swing she launches me toward the helicopter. Fortunately the guy who seems to be our ally was able to grab me in time. Tinulungan niya akong maka-akyat ng chopper.
"N-NOO VINCE!" Sigaw ni Maureen.
Bigla akong kinabahan, nagmadali akong tumingin sa ibaba. Nag collapse na pala ang scaffolding na kinatatayuan namin kanina, agad naman itong dinumog ng daan-daang undead na nasa ibaba.
"ANAAA!" sigaw ko.
Sinubukan kung tumayo para tumalon, wala na kong pakialam kung anuman ang mangyari, I need to do something subalit pinigilan ako ng lalaki.
"Hoy tumigil ka! Gusto mo na bang mamatay?!" bulyaw sa akin ng lalaki.
"Wala akong paki-alam!" pagkasabi ko nito ay itinulak ko siya.
"Sabi nang tumigil ka!"
Isang malakas na suntok ang inabot ko, bumagsak ulit ako at pumutok ang labi.
"You bastard!" gaganti rin sana ako subalit wala na akong sapat na lakas para tumayo man lang, marahil ay kumakalat na ang toxins mula sa sugat ko kanina.
"Ano gusto mo bang magpakamatay? Sasayangin mo ba ang ginawa nilang sakripisyo para sa'yo? Huwag kang maging hangal, we did everything just to save your pathetic ass!" muling bulyaw sa akin ng lalaki.
"Save? Dahil ba kailangan niyo ako? Ano bang meron sa akin na gusto niyo? Siya nalang ang meron ako and I just lost her right now!" sabi ko, kasabay nito ang pag-buhos ng luha sa aking mga mata.
"Don't be stupid and act na parang ikaw lang ang nawalan, lahat kami ay nawalan din ng mga mahal sa buhay and we need you to save what was left, I mean the remaining survivors so don't dare to do anything stupid you idiot!" Pagkasabi niya nito ay may tumulo ring luha sa mga mata niya, he looks sincere when he said those words.
I lost everything that I hold dear to me, first are my parents, then my tito and tita, and now my Morgiana. May dahilan pa ba para mag-patuloy akong mabuhay?
![](https://img.wattpad.com/cover/213912398-288-k367581.jpg)
BINABASA MO ANG
GENESIS of Z
Ciencia FicciónThis is a Science Fiction, Action, Romantic, Mystery-horror story. An alien virus discovered from a meteor impact crater in Sahara desert had mutated and will change the world as we know it. Maximo Jacobs a young professor and scientist had set into...