Maxe's Point of View
HAAAY sa wakas! Natapos din tong mga paperworks! Medyo makakapag-pahinga ako ngayong weekend. As usual nandito ako ngayon sa may school cafeteria para magmerienda.
"Hi Sir Maxe, mukhang masaya ka ngayon ah." Bati ni Maam Claire.
"Well medyo. Natapos ko na kasing gawin lahat ng trabahong nakatambak noong mga nakaraang araw." I said it with a feeling of relief.
"Mabuti naman. Ahmmm... k-kung libre ka sa sabado gusto mo lumabas tayo? I-I mean, matagal na rin akong di nakakapag-laskwatsa ng may kasama, well kung okay lang naman." She asked, medyo nahihiya ito. Does this mean that she's asking me for a date?
I was never asked by a girl to go out on a date before, she must have mustered a certain amount of courage to do that, how can I refuse her? Besides she's really my type, she's kind, beautiful and intelligent as well, it was almost a dream come true for someone who's an NGSB virgin like me.
"Ha? Talaga? Amm.. (cough cough) sige, magpapaalam lang ako sa alaga ko baka magtampo yun pag-di siya isinama. I mean I wan't to know you more better Claire." I nervously said it. I couldn't hide my kilig damn!
"Ahh.. Yeah. Ito nga pala ang ticket sa concert ni Jamboo at Jeng Santino, magtatanghal sila ngayong darating na Saturday sa JR Colliseum, bata pa lang ako ay talagang paborito ko na band nila eh. Punta tayo?"
"Sige! That's great, manood tayo!" I said in excitement.
Finally mukhang magkaka-girlfriend na rin ako sa wakas, thank you Lord akala ko po ay habang buhay na akong single huhu, parang maluluha ako sa saya.
Morgiana's Point of View
It's been a while since I lived with kuya, I guess its almost three months already. Sa loob ng mga panahong iyon ay alam ko na ang mga ayaw at gusto niya, his personality is simple and is easy to read, that's what I have thought at first but it seems he's more complicated than he looks.
Si Kuya yung tipong strikto pero mabait, medyo introvert pero cool, masungit siya pero may mabuting kalooban, matalino rin, matangkad at higit sa lahat gwapo! Huh wait ba't may tumutulong laway sa bibig ko? (sabay punas)
Hanggang ngayon ay di ko pa rin sigurado kung matatanggap niya ako, ang totoong ako.
"Hey! Are you alright?" tanong ni kuya, medyo nagulat ako.
"H-ha?...Oo bakit?" Sagot ko.
"Wala naman kanina ka pa kasi nakatunganga diyan, mukhang malalim ang iniisip mo."
"Wala naman, I'm just wondering, paano kung hindi kayo nagkakilala ni Mama? Paano kung namatay siya before she met you, ano kayang kalagayan ko ngayon, saan kaya ako pupulutin?" That thought suddenly crosses my mind.
"Duh, you're a Billionare, as if naman mag-hihirap ka." Sagot ni kuya.
"Well... I do have money, pero wala akong pamilya o guardian, someone that will manage my finances and take care of me, I'm still a minor you know. Duda rin ako na kay attorney niya iiwan ang custody ko, he's a good person but she won't do that"
"Huh? Hindi ba mas weird yun? Mas matagal niyang kakilala si Attorney pero sa akin ka niya iniwan. I mean ilang araw pa lang kaming magkakilala ng mga panahong iyon." He replied.
"I'm sure she had a reason for it." I said.
"Well I think it's not important anymore, ang mahalaga ay nandito ka sa poder ko hindi kita pababayaan. Besides you can take care of yourself unlike most of the girls your age, you're quite childish sometimes though."
"Oh really kuya? Ikaw itong otaku na mahilig manood ng anime at maglaro ng online games!"
"Minsan lang naman ah, tsaka nakikinood ka din naman."
Sabay kaming tumawa
"Maiba ako, sa sabado nga pala may lakad kami, medyo gagabihin ako. Okay ka lang ba ditong mag-isa?" Tanong niya, sino bang kasama niya?
He seems so happy and lively lately, I don't know the reason at first but I always saw him with that woman. I am supposed to be happy for him as his sister but I can't, if only I could tell him my secret.
"Y-yeah I'll be fine, hindi ka naman siguro aabutin ng hanggang umaga." I said.
"Ahm... di naman. O siya matulog na tayo, may pasok pa bukas. Good night!"
"Good night too!"
I used to be alone my entire life, but he came and made me happy. He's all that I have and I won't let anyone take him away from me, never.
Maxe's Point of View
It's 3:30 in the afternoon, maya-maya lang ay mag-uuwian na din naman ang mga estudyante I am looking for additional references for Gen. Biology subject in these bookshelves.
"Hi, Sir ano po bang hinahanap ninyo?" Sabi ng pamilyar na boses na nasa likuran ko.
"Oh Ben kamusta ka na? Ang gwapo mo na ah! Akala ko ba sa NCU ka nag-aaral ngayon, kalian ka pa nag-transfer dito?" Tanong ko sa dati kong estudyante.
"Noong nakaraang buwan lang po, mas malapit kasi dito yung part-time job ko. At tsaka... siguro naman nakalimutan na nila yung nangyari 3 years ago. Nabalitaan ko din na bago na ngayon ang administrator dito, kaya naisip ko na baka ayos na kung babalik ako" Sagot nito.
"I'm glad that you're okay now, kamusta na ang Mama mo?
"Ayos naman po siya, medyo nahihirapan lang kami sa pinansyal pero nakakaraos din naman."
Benjamin V. Santos was my former student 3 years ago. He and his sister was formerly a scholarship student in this University but because of some unfortunate events he was forced to transfer into another school.
"Eto na yung libro na hinahanap ko, O sige Ben mauna na ko sayo at may pupuntahan pa kasi kami ng kapatid ko." Pagpapaalam ko, nangako ako kay Ana na dadaan kami mamaya sa may Pet shop para bumili ng alagang isda. I personally don't like fishes as a pet since they are boring, but my opinion doesn't matter as long as she wants them.
"Ahh.. S-sir..." he called suddenly, kaya nilingon ko siya
"Maraming Salamat po!" he said.
"Ha? For what?" tanong ko.
"Three years ago... noong mga panahong walang naniniwala sa akin ay pinaniwalaan ninyo pa rin ako, even everyone is against me you still tried to defend me."
I don't know what to say after he said those words. My heart is filled with guilt right now, sumikip bigla ang dibdib ko.
"Well yeah, pero sa huli ay wala pa rin akong nagawa. I'm sorry."
I walk out from that library as fast as I can. Hindi ko inaasahan na babalik pa siya dito pag-katapos ng mga nangyari. Baguhan lang ako sa U.S.E ng mga panahong iyon kaya wala akong nagawa and it pains me whenever I remembers it.
AUTHOR'S NOTE:
Sorry po kung natagalan sa pag-update, nasira kasi ang laptop ko. I will try my best to update regularly from now on. Please continue supporting my story. Thank you.
BINABASA MO ANG
GENESIS of Z
Science FictionThis is a Science Fiction, Action, Romantic, Mystery-horror story. An alien virus discovered from a meteor impact crater in Sahara desert had mutated and will change the world as we know it. Maximo Jacobs a young professor and scientist had set into...