CHAPTER 7: Unlikely Friendhip

685 21 7
                                    

Vince's Point of View

Maaga ako ngayon sa school, I guess I should be more punctual from now on. I think back to normal na ulit ang lahat matapos ang malagim na pangyayari last week, well probably not since the controversial video of Sir Ramos' death had gone viral. The authorities had manage to takedown the original video but it was copied and reuploaded so many times that its almost impossible to get rid of them completely. The worst thing is its getting the attention of the media, the news about a demon serial killer girl who killed 3 teachers in a row.

Noong una ay takot na takot ako kay Morgiana, but I realized that she's the victim here, besides we have no proof that she had really killed someone. It's not easy to believe that someone like her would kill a person but how does she possess those superhuman strength when she pushed Sir Ramos several meters away?

Mayamaya pa ay dumating na si Morgiana at pumasok na ito sa loob ng classroom namin.

"Ayan na yung halimaw!" sabi ng classmate naming si Janice.

"Pssstt! Wag kang maingay, baka marinig ka niya." Saway ni Ellaine.

"Eh ano ngayon!"

"HEY! YOU DEMONIC FREAK! Ang lakas naman ng loob mo na magpakita pa sa school na ito matapos mong patayin ang mga teachers dito!" Sigaw ni Janice kay Morgiana.

Tumingin si Morgiana kay Janice pero hindi ito kumibo.

"O ano ngayon? Papatayin mo rin ba ako? Ooooww you're looks are so scary." Panghahamon ni Janice.

"LUMAYAS KA DITO! DEMONYO!" sigaw ni Harry sabay bato ng aklat kay Morgiana.

"Hey guys! Palayasin natin ang demonyo na to!" Panghihikayat ni naman Andrew, sabay bato ng tumbler sa kawawang babae.

Everyone proceeds to hurl every object that they can find inside the classroom at Morgiana while yelling "LUMAYAS KA DEMONYO!"

Suddenly I got horrified when she got hit by some big metal object; it was a heavy Paper Puncher. Blood gushes immediately from her head dripping down her pretty face. I can't take it anymore, I have to interfere!

"PLEASE TUMIGIL NA KAYO!" sigaw ko, pumagitan ako sa kanila sa pamamagitan ng pagyakap ko kay Morgiana. My body will cover her and will serve as a meat shield to protect her.

"Hey! Hey! Ano yang ginagawa mo? Are you protecting that demon? That monster? Di ba ikaw mismo ang nakakita sa ginawa niya?" Tanong ni Andrew.

"Wala tayong matibay na ebidensya na siya nga talaga ang serial killer at di ko rin direktang nakita na pinatay niya si Sir Ramos. Sa ginagawa niyong ito ay wala na rin kayong pinagkaiba sa sinasabi niyong halimaw!" Sabi ko. Everyone suddenly had quieted down.

"Alam naming may gusto ka sa kanya kaya pinagtatanggol mo siya, may gusto ka sa isang Halimaw? Ano kakampi ka na niya ngayon?" panunuya ni Harry.

"Well I would choose her any day than any girl or person in this classroom; she's smarter and more beautiful than anyone here. Kung halimaw siya, mga halimaw din naman kayo, if I'm going to choose among these monsters, I will glady choose her!" What the heck I am saying.

Mayamaya pa ay dumating na si Maam Claire ang adviser namin, pinagalitan niya kaming lahat, ipapatawag daw niya ang mga magulang ng lahat ng involved sa pananakit kay Morgiana.

Sinamahan ko siya sa clinic para gamutin ang sugat niya, ayaw niya sana but Maam Claire insisted.

"Huh? Nasaan ang sugat niya? Ang sabi mo ay natamaan siya ng matigas na bagay kaya dumugo ang ulo niya?" Nagtatakang tanong ng nurse.

GENESIS of ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon