Claire's Point of View
It's a surprise that Sir Maxe has a little sister, ang alam ko kasi ay solong anak lang siya at pumanaw na ang parents niya 10 years ago. Ang tito at tita naman niya ay hindi pinalad na magka-anak kaya sila na ang tumayong mga magulang at nagpalaki sa kanya. Medyo na weiweirduhan lang ako dito kay Morgiana, grabe kong makatitig sa akin, what's wrong with this girl?
Sa totoo lang ay may gusto ako kay Maxe kaya lang mukhang di naman niya ako napapansin, masyado itong busy sa career niya although I always tell him na mag-relax naman siya minsan since bata pa naman siya and he should take things easy. Naalala kong minsan ay niyaya ko syang lumabas isang sabado, ang sabi ko ay magpapatulong ako sa kanya sa pamimili ng mga bagong gamit, kaya nga lang ay tumanggi siya, dahilan ko lang naman iyon para makasama siya, ba't ba ang hirap maging babae?
"Hi Ana, mag-isa ka lang ba? Can I sit beside you?" I ask after seeing her alone in the school cafeteria.
"Y-yeah...sure." Sagot nito na parang napilitan lang
"Palagi kabang mag-isa lang during recess? Wala ka pa bang mga bagong kaibigan dito?" I asked.
"I-I don't need friends, I'm doing better alone, I'm fine like this."
"Are you sure you're okay?" Muli kong tanong.
"Yeah." Matipid nitong sagot, after nito ay di na ito kumibo ni isang salita.
Napansin ko na lagi lang mag-isa si Morgiana, she's always eating alone during recess, kapag tanghali naman ay pumupunta siya kay Sir Maxe para sabay sila mag-lunch, tanging kay Maxe lang siya malapit at wala nang iba. Maxe had explained to me her situation, it seems that Morgiana has a hard time in socializing with others because she used to frequently move from place to place and because of those bad experiences she hardly trust others but him. Gusto ko na buksan din niya ang puso niya para sa iba, I want to help her to be free and be like other normal teens.
Maxe's Point of View
MUKHANG okay naman si Ana sa school niya, medyo nag-alala lang ako ng konti ng malaman ko na teacher niya Mr. Ruben N. Ramos sa subject na Math. May mga nakaraang reklamo kasi kay Mr. Ramos tungkol sa diumano'y pag-tatake advantage nito sa mga female students niya, may mga reports kasi ito ng pang hihipo at iba pa, although itinanggi niya ang mga ng ito, minsan ay masyadong napapalapit lang daw umano sya sa mga studyante kaya nabibigyan ng malisya ng iba. Well we can't judge him base from just assumptions, but I'm pretty sure that some of the complaints against him was true.
It's getting dark already, late na naman akong uuwi ngayon, medyo dumami kasi yung natambak na paperworks ko nung mga nakaraan, since my adoption of Morgiana ay medyo naging busy ako.
Pagkalabas ko ng campus napansin ko ang nag-kumpulang mga tao sa may gilid ng poste, ilang metro ang layo nito mula sa main gate ng school. Na-curious ako kaya naki-usyuso ako.
"Anong meron?" Tanong ko sa isa sa mga lalaking nakiki-usyuso lang din.
"Ay naku si Sir, mayroong pong pinatay ngayon lang. Baka kilala niyo ang biktima, mukhang teacher din siya sa school ninyo." Sagot ng lalaki. Nagulat ako sa sinabi ng lalaki, kaya lumapit ako para makita kung sino ang biktima.
Chills shivers down my spine as I set my eyes on the direction of the victim, hindi na makilala ang lalaking nakahandusay, basag ang mukha nito indikasyon ng paulit-ulit na pag-hampas ng isang matigas na bagay, sabog din ang ulo niya at labas ang animo'y mga parte ng utak. This is my first time witnessing such a brutal murder kaya hindi ko napigilang maduwal.
"Tumawag na kami sa mga awtoridad, kaya papunta na sila dito." Sabi ng isa sa mga lalaki. Mukhang mawawalan ako ng ganang maghapunan ngayon.
Hindi nawala ang panginginig ng laman ko hanggang maka-uwi ako ng bahay, life can be taken away in an instant na parang wala lang. I had realized that life is so fragile, maaari itong nakawin sa iyo ng kahit sino sa isang iglap.
BINABASA MO ANG
GENESIS of Z
Bilim KurguThis is a Science Fiction, Action, Romantic, Mystery-horror story. An alien virus discovered from a meteor impact crater in Sahara desert had mutated and will change the world as we know it. Maximo Jacobs a young professor and scientist had set into...