CHAPTER 17: Fetch

99 6 2
                                        

Vince's Point of View

Nandito kami ngayon sa isang tagong lugar ng U.S.E, isa itong lumang classroom na matagal nang hindi ginagamit. May CCTV sa buong campus kaya kailangan naming mag-ingat sa pag-paplano, we're up against one of the most powerful corporation in the world and now that the human population had dwindled significantly you can say that they're already the rulers of this world.

"Here's the plan. Lima kaming kasama niyo na susundo kay Sir Jacobs, the pilot of the chopper is on our side but the other three are loyal to the Corporation. Alam kong madugo ito para sa mga kabataang tulad niyo but we have to eliminate them pagkalapag ng chopper natin sa rendezvous site." Saad ni Sir Jeff. Kinilabutan ako after marinig iyon, do we really need to kill them? Pero mga totoo at buhay na tao sila?"

Napalingon sa akin si Ate Maui, may pag-aalala sa mukha niya. The concept of morality is too vague right now. There's no right and wrong what matters is our survival.

"Pagkatapos nating masundo si Sir Maxe at Morgiana, ano na susunod nating gagawin? Saan na tayo pupunta? Hindi mo naman siguro iniisip na bumalik pa dito sa U.S.E?" tanong ni Ate Maui.

"Of course di na tayo babalik dito, dederetso tayo sa Albay, doon sa PHIVOLCS Lignon Hill Nature Park Observatory. Doon kasalukuyang naka base ang McGreggor Camp, na binuo ng mga surviving Police officers at Philippine Army soldiers, syempre kaunti lang nalang sila subalit may sapat silang pwersa para mapanatili nila kayong ligtas." Sagot ni Sir. Jeff.

I need to be strong, the world had already changed at walang lugar para sa mga mahihina ang bagong mundong ito. If we want to survive we must be strong, if we need to kill for the sake of surviving then be it.

"Okay I'll go with your plan, how about you Vince? Ayos lang ba ito sa'yo?" tanong sa akin ni Ate.

"Don't worry about me, I'll be fine. Now Sir Jeff, give us your instructions."









Maxe's Point of View

Naglalakad kami ngayon papunta sa lugar kung saan mag-lalanding ang helicopter na susundo sa amin. I feel that there's something fishy about it but we have no options, we need a safe place to stay right now, we can't be picky.

"Ana maraming mga baliw sa paligid kailangan nating mag-ingat para di nila tayo mapansin, anumang oras mula nagayon ay darating na sila." Sabi ko kay Ana. A simple noise may suddenly catch their attention and we'll get swarmed by them.

"Sige kuya pero may isa pa tayong problema. For sure mag-aatract ng attention ang darating na chopper, maaaring tayong dagsain pag-nagkataon." She said.

"Wala tayong magagawa, mag-tago muna tayo dito sa may damuhan pagkatapos ay tatakbo tayo pag-dating nila." Tugon ko.

"Kuya nag-sisisi ka ba?" matamlay nitong tanong.

"Huh? Anong ibig mong sabihing nag-sisi?" I asked.

"Mula nang kinupkop mo ako ay naging magulo na ang dati ay tahimik mong buhay. Pag-katapos ay nangyari pa lahat ng ito, feeling ko may dala akong kamalasan sa'yo." Sabi niya.

I pat her head and smile.

"Huwag mong sabihin yan, di mo kasalanan ang mga nangyayari. In fact you brought colors to my lifeless world. Dati trabaho at bahay lang ako, walang espesyal, napaka-ordinaryo at boring ng buhay ko. Then suddenly one day ay may alaga na kong impaktong bata at ngayon ay end of the world na, so yeah this is a something new, a thrilling experience to say the least." Sabi ko habang nakangiti.

Siyempre nag-bibiro lang ako pero nangigilid na ang luha sa mga mata niya, mukhang iiyak na siya.

"G-ganun ba? Sniff... sniff."

GENESIS of ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon