Chapter 21

2K 167 29
                                    

And then again lumipas na naman ang ilang mga araw. Unti unti na akong natatakot. Hindi alam ang gagawin, kung mananatili ako sa tabi niya at makita niya akong mamatay or lalayo na para itago ang lahat. Is that possible?

"Uy! Tulala ka na naman dyan, kung bibilin mo bilin mo na"

"Casper I'm dying" sabi ko habang naka tingin padin sa vintage na notebook na nakita ko noon

"Hmm? Yan na naman ba, may one week pa bago ma expired buhay mo" i looked at him

"Naniniwala ka ba sakin?" May mga sinabihan ako noon pero walang naniwala at pinag tawanan lang ako, he's the first time na hindi tumawa at natakot pa nga

"Nung una parang oo but now parang hindi na ewan. You changed, hindi na kita kilala. Parang ibang kaluluwa na nga ang andyan. Pero pfft friends lang kayo ni Icelyn. And I don't want to think that my friend is dying in a week" :) a friend, aside from Icelyn. Nakilala ko din siya at ang dalawa pa. I have a friends, how beautiful is that

"Let's go" Yeah, gusto na ayaw kong maniwala siya.

Namasyal pa kami bago umuwi. Pero sa labas ng condo ay may babaeng naka upo at yuko sa pinto.

"Bakit hindi ka nalang pumasok? Alam mo naman password diba?" Nagulat pa siya at napa tayo agad.

"Ahm nahihiya ako. Kararating ko lang din naman" May hiya pala siya. Binuksan ko nalang ang pinto at pinapasok siya, agad naman siyang naupo sa sofa

"Pa overnight ha" oh gosh not again please.

"Dito ka na kaya tumira, 4 times a week nakiki tulog ka eh" sabi ko na agad ko ding pinag sisihan. Baka kung anong isipin nya

"Are you asking me to live in with you?" Ughhh

"Sinabi ko ba? Ayoko inaalipin mo lang ako po" nag punta na ako sa kwarto para ilagay ang ibang pinamili ko. One week, may one week ka na lang Soul. Don't forget that

"I love it when you says po. Pfft cute" at ayan na nga, nahiga sya sa kama ko at nagpa gulong gulong. Ang bilis pa naman dumikit ng amoy niya sa kumot at unan. Mas lalo ko lang siyang na aalala

"Nasanay lang po, kumain ka na ba? Mag hahan-- da. Icelyn?" Niyakap niya ako bigla sa likod

"May bagong nanliligaw sakin, doctor din. He's handsome, smart, rich and may konting bad boy vibes"

"Your type. Bakit mo sinasabi sakin?" Wala ba siyang hint na gusto ko siya at nasasaktan ako tuwing nag sasabi siya ng mga ganitong bagay.

Last week lang may ibang lumalandi sa kanya. And last last week. Sinama niya ako sa isang date nila ng one week jowa niya, I accepted their kisses in front of me.

"I just wanted you to know" inalis ko ang kamay niya sa bewang ko at hinarap siya

^_^"Thank you, I'm really your best friend isn't?"

"Yup hahahaha, now BFF let's go and eat" nagpa hila nalang ako palabas

Nothing special, kumain kami, nag kwentuhan. Nag movie marathon at natulog. Where? Ito nasa tabi ko siya at naka yakap na naman sa likod ko. Inalis ko ang kamay niya at humarap sa kanya.

"You're hurting me more, do you know that? Not because we're just friend. You're making me realise that we will never be something else. You're you, a human and I'm just soul. A lost and wondering soul stealing someone's identity" I lean in to kiss her but I stopped immediately

"Ang sakit sakit mag mahal"

Tumayo na ako at umalis. I left for real. Naka handa na ang mga gamit ko kahapon palang. Para to sa lahat, I'll leave without saying anything para magalit siya sakin. At para hindi siya maapektuhan kung sakaling malaman niyang patay na ako.

Red Spider Lily Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon