May isang araw na umiyak ako, Senpai. Kasi bakit ganon? Ang malas-malas ko pagdating sa pag-ibig. Pinagkaila ako, ginamit lang ako, hindi ko nasuklian yung pagmamahal, tapos pinagpalit ako. Ngayon naman nagkagusto ako sa straight na napakatoxic ng perspective pagdating sa love? Akala ko ba swerte ako? Pero bakit pagdating sa ganito napakamalas ko. Nagkamali yata ako na tignan 'yung cc mo. May nagtanong sa'yo diba kung naging tayo ba? Tapos napakadefinite ng answer mo ron. I was like "Putangina, ang sakit. Bakit ba kasi ang assuming ko? Eh hindi naman talaga naging kami. It's just a prank." Umiyak ako that night. Like legit, namamaga mata ko paggising non. Grabe 'yung epekto mo saakin, Senpai. Pero dahil tanga ako. Hindi ako tumigil na gustuhin ka sa malayo. Tamang tingin lang sa mga tweets mo kahit minsan masakit na. Wala eh. Gustong-gusto kita.
YOU ARE READING
HDAWFIL (on-going)
Poetryin the world full of chocolates and roses here's a book full of my proses to the girl I love hope you'll like this