DEAR SAEKA

112 1 0
                                    

zera,

        Sobrang mali nang ginagawa natin, Senpai. Kahit anong mangyari may pwedeng masaktan saatin. It's either me or you. Pero bakit ganon? Kahit alam kong walang chance sa dulo pilit parin ako nang pilit. Sobrang tigas ng ulo ko na laging puso nalang 'yung pinapakinggan. Na kahit alam kong madudurog ako ng sobra sa dulo mas pinili kong manatili. I decided to pursue you despite of consequences I might encounter at the end. I already risked myself. Na kahit anong mangyari 'di na ako aalis sa tabi mo. Kahit na pagtabuyan mo 'ko, paulit-ulit parin kitang susuyuin. Gustong-gusto talaga kita, Saeka. Hindi ko naman gagawin 'tong mga 'to kung hindi diba? Oo, gusto kitang mapasakin. Pero paano? Kung natatakot ka naman? Pero naiintindihan naman kita. Masyado kang nasaktan sa nakaraan mo to the point na natatakot ka nang magpapasok ulit sa puso mo. Pero sana naman bigyan mo 'ko ng chance. Kahit katiting lang. Okay lang sa'kin. Matiyaga akong maghihintay, Senpai. Kung wala parin, ayos lang rin saakin. Hindi naman talaga natin mapipilit ang lahat diba?

HDAWFIL (on-going)Where stories live. Discover now