Mariin kong hinawakan ang iyong kamay. Tanging tunog lamang ng alon ng tubig at ang malakas na pintig ng ating mga puso ang maririnig. Tinitigan ko ang iyong mga mata at bakas ang pangamba sa mga iyon.
"Baby, what's bothering you?" Tanong ko saiyo na agad na pumukaw ng iyong atensiyon. Agad mo akong binigyan nang matamis na ngiti at umiling-iling.
"Wala. Masaya lang ako." Ang iyong tanging naisagot. Hindi ko iyon pinaniwalaan. Hinawakan ko ang iyong pisngi gamit ang aking palad.
"Alam ko kapag masaya ka. Hindi ka ganiyan katahimik. Tell me? Anong problema?" Napansin ko ang pagkibit ng iyong labi, agad kang lumapit saakin at niyakap ako nang mahigpit.
"Don't leave me, please? Kahit anong mangyari. 'Wag mo akong iiwan." Nanghihina mong sambit habang nakasubsob ang mukha sa leeg ko.
"Of course. I won't. Never."
"Promise?" Hindi ko mapigilan ang sarili na mapangiti. Humiwalay ako saiyo at muling tinitigan ang iyong mga mata.
"Tell me reasons why should I leave you?" Tanong ko.
"Sarili ko. Ako palang. Sarili ko palang. Dahilan na iyon para iwan mo ako." Napansin ko ang pagbadya ng mga luha saiyong mga mata. Lumapit ako saiyo at hinalikan ang iyong noo. Niyakap kita at hinaplos ang buhok mong umaalon.
"Baby, I told you to give me reasons to leave. Hindi dahilan para manatili." Sabi ko.
"Ang ewan mo." Tumawa ako nang mahina. Mas lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko.
"I loved you at your worst and I will continuously do so. Loving you is like swimming in the ocean."
"Hindi ka naman marunong lumangoy."
"Ayun nga eh. Hindi ako marunong lumangoy. Ayon nalunod 'di na makaahon. I don't know how to save myself from drowning, baby. And I also don't want to be saved. Now tell me, how can I leave you? I love you. Mahal na mahal kita. It might sound cliché but the thought of leaving you hurts me so much."
"Alam mo? Ang dami mong sinabi. Basta 'wag mo'kong iiwan shunga." Bigla kang napahinto sa pagsasalita at tumingin saakin.
"Oh?" Tanong ko.
"I love you. Don't leave me?"
"I love you too. I won't."
YOU ARE READING
HDAWFIL (on-going)
Puisiin the world full of chocolates and roses here's a book full of my proses to the girl I love hope you'll like this