Pinilit ko talagang limutin ka, Senpai. As in, I really tried to get you out of my system. Pero wala eh. Walang silbi. I always end up thinking about you. Alam mo ba pagkatapos nung one week. Umiyak ako non. Like, it's been a while since I last cried because of love. Kaya napatunayan ko na totoo talaga 'yung nararamdaman ko sa'yo. Gaya nga ng sabi mo na baka naco-confuse lang ako. Sinubukan kong tanungin 'yung sarili ko kung gusto ba talaga kita o naooverwhelm lang ako sa pagkatao mo. Pero hindi eh. Gabi-gabi kitang inisip. Ilang gabi akong napuyat kakaisip sa'yo. Alam mo 'yun? Yung parang may kulang talaga. Lagi akong natutulog na blangko yung puso. Para akong may hinahanap lagi na hindi ko alam kung ano. Kahit sa school iniisip pa rin kita. Alam mo ba kung gaanong torture 'yung hindi ka makausap sa buong araw? Nagtya-tyaga akong magbasa ng mga tweets mo. Minsan pa nga inaabangan ko nalang talaga na baka sakaling magtweet ka about saakin. Pero wala eh. Sobrang lungkot ko nung mga araw na yon, Senpai. :( Para na akong mababaliw na onti nalang lalakasan ko na 'yung loob ko tapos imemessage na kita. Kaso wala eh. Sobrang weak ko talaga pagdating sa'yo. Nanghihina ako lagi. Kaya ayun nagsimula nanaman ako sa panggugulo sa cc. Naiinis ako sa sarili ko kasi nagsesettle ako sa ganon. Kung ano-anong pinagtatanong ko ron para lang mapansin mo. Pero sabi ko, okay na rin yon. Basta nakakausap kita, masaya na ako.
YOU ARE READING
HDAWFIL (on-going)
Poesíain the world full of chocolates and roses here's a book full of my proses to the girl I love hope you'll like this