////////

61 0 0
                                    


pagod na ang kaluluwa
ni hindi sigurado kung may natitira pa bang luhang mailuluha
hindi maipaliwanag ang sakit na nadarama
sa tuwing inaalala ang mga bagay na tapos na

nagsimula na akong magalit sa mundo
akala ko'y patuloy siyang iikot
pero bakit bigla ka nalang huminto?
mga luha ko'y hindi na natapos sa pagtulo
nanunuyot na ang lalamunan
sa kakasigaw at pagsusumamo

hindi mo ako pinagbigyan
na sa huling sandali
ngiti niya'y aking masilayan
tanging pighati at ang mga salitang walang tunog ang kaniyang binitawan
ang mapait na ngiti mula sa kaniyang labi
ay iniwan akong luhaan
hanggang sa huminto ang pagtunog ng pag-asa
tapos na ang laban, wala na
mananatili nalang siyang ala-ala
ala-alang lagi kong makakasama

HDAWFIL (on-going)Where stories live. Discover now