Antukin

102 0 0
                                    

tunog nang paghikab
ang naging iyong simbolo
mga matang pumupungay
at kalaunan ay sumasarado
magaganda mong pilik-mata
na pakurba ang anggulo
mga labing kumikibit
na tila ika'y may sinasaulo

tulog lang nang tulog, aking mahal
'wag mo kong gayahin
na eyebags ay kumakapal
matulog ka ng matulog
hindi ka pwedeng umangal
magpahinga ka nang mabuti
nang buhay natin ay tumagal

HDAWFIL (on-going)Where stories live. Discover now