Twenty nine

3K 62 2
                                    

I was staring blankly at the wall, not knowing what to feel. Dapat imaging masaya ako pero mas nangingibabaw ang kaba at pagkabigla. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, siguro dahil hindi ko alam kung ano ba ang meron sa aming dalawa. Wala. Wala naman namamagitan sa aming dalawa. We are not in a relationship. We are just two people finding comfort with each other.

I heard the door moved and saw him coming in. He looked bewildered, like a lost child. Parang may kung anong karayom ang tumusok sa puso ko. Nangingilid ang luha sa mga mata ko. Yumuko nalang ako upang hindi niya mapansin iyon.

"You're awake." He said, quietly. "How are you feeling?" Pumikit muna ako saglit bago tumingin  muli sa kanya. Ang mga mata niya ay nasa akin din ngunit bakas sa mukha niya ang halo halong emosyon. 

"I'm fine." Sagot ko nalang. He didn't say anything after. Umupo lang siya sa bakanteng upuan katabi ng kama. He looked at his fingers and drew a deep breath again.

"Did the doctor know you're awake?"  He asked, more, keeping his eyes on the ground.

"Yes." I replied, shortly. Humugot ulit siya ng malalim na buntong hininga. Ako ay ganun din. "Gusto mo ba na pagusapan ngayon?" Pagpapatuloy ko. I peeked at him, trying to gauge his reaction. Hindi siya sumagot. "Paul..."

He inclined his head but not to look at me. I sighed and slightly shook my head. His silence means no.

Hindi ko na siya pinilit pa na pagusapan ang tungkol sa bata. I only insisted to be discharged the same day since I was feeling fine. Hinatid niya ako sa bahay pero agad din umalis.

Parang akong ewan. Para akong teenager na hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa magulang ko. Paniguradong mabibigla sila at magagalit si Dad, lalo na't kapag nalaman niya na hindi ko boyfriend si Paul.

I'm a woman who knows how to handle everything but not this time. I haven't seen myself yet as a mother.  This is not how I want this to happen. Sobrang gulo ng isip ko. Bakit ba ako napunta sa sitwasyon na ito? Dapat noon pa lang umiwas na ako. Hindi ko alam kung matatanggap ba ito ni Paul. Ayoko rin naman siyang pilitin kung sakali.

~~~

One week after...

I looked down at my shoes and heaved a deep breath while waiting for the elevator to reach the Ground Floor.  

I've been trying my best to go through my days like normal, even though deep inside, my thoughts are entangled. I've been doing the best I can to act as if nothing is happening. It's a good thing that I am living alone in my house and no one can notice my morning sickness and unusual cravings. Walang nakakaalam maliban sa aming dalawa ni Paul. I assumed na alam na niya kahit hindi pa namin napaguusapan.

"Hello, Ms. Dela Cruz." someone greeted as I exited the building. I looked at the man who was smiling at me. "Pinapunta po ako dito ni Sir Paul para ihatid kayo pauwi." He continued, making my brows furrow. 

"Sinabi po ni Paul iyon? " I asked. He nodded. I breathed and pursed my lips together, then forced myself to smile at him. "I see. But there's no need for that. Okay lang po ako. Mabilis naman po makapag-book ng Grab dito." I replied. 

"Naku, Ma'am. Ang bilin niya po ay ihatid kayo." Pamimilit ni Manong. 

"Ayos lang po talaga ako. Malapit rin po ang bahay ko dito"

"Makakagalitan po ako ni Sir Paul kung hindi ko kayo hinatid." Tiningnan ko siya. Hindi ko pa alam kung paano magalit si Paul pero pansin ko na hindi nga magandang ideya iyon. Hindi na ako nakipagtalo at pumayag nalang rin.

"Bukas po ng umaga, susunduin ko rin po kayo."

"Sinabi rin ba ni Mr. Sevilla 'yan?" Napatingin ako sa rear view mirror at tumango siya. Napabuntong hininga nalang ako.

His Playmate (Sevilla Series: CxP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon