ALEXIS POV:
*AFTER 3 MONTHS*
Andito kami sa school kasi graduation na ni ate kaya andito kami
Tiniwag si ate bilang first honor. Hindi na ako magtataka kasi matalino naman talaga si ate ang kaso lang yung ugali nya kasi medyo tagilid hahaha
Nang matapos yung graduation ay nag pahanda si mama at inimbitahan pa yung mga kamag anak namin kaya naman makikita ko na si kuya ken, ang aking crush hehehe. Pinsan ko si kuya ken, ang gwapo kasi at saka mabait ito pero may girlfriend na ito
"Pasok kayo!!... Pasok" sabi ni mama sa lahat ng inimbitahan nya at nang pumasok na si kuya ken na kasama yung girlfriend nya ay parang naging heart yung mga mata ko kaso biglang dumilim ito
"Mata mo, alexis" sabi ni ate na tinakpan pala yung mata ko
"Ano ba ate!!" Sabi ko sabay tanggal nung kamay nyang nakatakip sakin
Pagkatanggal ko ay nakakita na ulit ako at ang nakita ko ay si kuya ken na papalapit samin ni ate
"Congrats kiahnna" sabi ni kuya ken habang ginugulo yung buhok ni ate
"Tchh.. Ano ba" sabi ni ate sabay hawi nung kamay ni kuya ken para matigil na yung pag gugulo sa buhok nya
"Suplado ka pa rin" natatawang sabi ni kuya ken
"Pake mo??" Tanong ni ate na ikinailing ni kuya ken
"Oo nga pala may ipapakilala ako sa iyo, kiahnna" sabi ni kuya ken, umalis ito sa harap namin ng saglit lang at pag balik ay kasama nya na yung girlfriend nya
"Kiahnna this is my girlfriend, faith. Faith this is my cousin, kiahnna" pakilala ni kuya ken sa girlfriend nya
Nagulat yung girlfriend nya nang tumingin ito kay ate, bakit kaya??
"Ikaw yung nasa mall diba??" Tanong ni ate faith
"Oo, ako nga" walang ganang sagot ni ate, hayy ito talagang si ate lagi na lang tingin sa tao ay wala syang interest sa kanila
"Nice to meet you" masayang sabi ni ate faith, tumango lang si ate at saka umalis na, nagtungo ito sa kuwarto nya. Ganyan yang si ate, pag may ibang tao sa bahay ay lagi lang syang nasa kuwarto nya
"Masanay ka na, ganun talaga yung ugali nung isang yun pero mabait naman yun" sabi ni kuya ken sa girlfriend nya
"Ahh ok, suplada sya" sabi ni ate faith na sinangayunan naman ni kuya ken
"Sya yung sinasabi kong tumulong sakin para makabili ako ng piano" sabi ni ate faith
"Ahh, music lover yun" sabi ni kuya ken
"Halata naman eh" sabi ni ate faith
"Alexis!! nasaan na ate mo??" Tanong ni mama habang nag lalakad papalapit samin
"Umakyat na sa taas, alam mo naman yun mama" sagot ko kay mama
"Hayy, kiahnna" sabi ni mama habang umiiling at saka nag lakad papalayo samin
Tumingin lang ako sa paligid at pinagmasdan yung mga taong inimbitahan ni mama para sa selebrasyon na to pero wala yung pinag se-selebrasyon hayy
"Alexis!!" Tawag sakin ni kuya ken kaya napatingin ako sa kanya
"Ano yun?? Kuya ken" tanong ko
"Kamusta?? Nag i-improve ka ba sa pag gigitara mo??" Tanong ni kuya ken
YOU ARE READING
MUSICAL ACADEMY (BOOK 1)
Teen FictionWHAT HAPPEN TO THE PAST 3 YEARS?? Genre: ROMANCE, MUSICAL, SLIGHT COMEDY