KIAHNNA'S POV:
"Ok, you may seat" agad akong nakahinga ng maluwang dahil tama ang binigay kong sagot at hindi naging zero ang score ko
Bumalik na ako sa upuan ko at ako pala ang highest, thanks to Trave pagkat kung hindi dahil sa kaniya ay baka 18 lang ang score ko pero ako pa rin ang pinakamataas dahil ang sumunod na sakin ay seventeen kaya kahit mag eighteen ang score ko ay highest pa rin ako
Lumipas ang oras at dismissal na kaya isinukbit ko na 'yung bag ko sa balikat ko 'tsaka lumabas na ng classroom at magtungo sa dorm
Hinagis ko lang basta 'yung bag ko sa sofa pag karating ko sa dorm namin at nagulat pa nga si Alexis sa ginawa ko
Nag palit lang ako at saka lumabas ulit ng dorm dahil balak kong pumunta sa library, mag babasa lang ako pagkat pakiramdam ko ay may kulang na sa kaalaman ko
Naiisip ko rin na mag hanap ng libro patungkol sa bundok ng tarist pagkat kahit sino siguro ang tanungin ko ay iisa lang siguro ang magiging sagot kundi ang 'Hindi ko alam' o 'Walang nakakaalam'
Gusto kong malaman kung ano ang dahilan, masyado akong curious sa mga bagay bagay na walang sagot except sa mga wind instrument dahil hindi naman ako interesado doon
Nang makarating ako sa library ako nag sign in muna ako sa may librarian. Dito kasi sa library na'to ay kailangan mo munang mag sign in para alam nila kung sino ang pumasok sa ganitong oras at pag aalis ka na ay mag ai-sign out ka para alam din nila kung sino ang lumabas ng ganitong oras
Nag tingin na agad ako sa mga book shelf pero kahit isa ay wala akong makita na related doon sa bundok tarist, marami akong nakitang libro na puro tungkol sa mga music at history ng bayang ito pero hindi ko ito mga kinuha pagkat tinatamad akong magbasa ng mga gan'yang babasahin ngayon
At dahil nga wala akong nakuhang libro ay naupo na lang ako sa isang table at saka nag earphone at dumukdok doon sa desk.....
Nag lalakad na ako pabalik sa dorm namin ni Alexis. Gabi na rin, siguro mga nasa eight na ng gabi pero ako ay pabalik pa lang ng dorm
Galing kasi ako sa music room dahil may kinuha lang, kanina kasi ay tumugtog ako doon at iniwan 'yung gitara doon kaya binalikan ko
Pag katapos ko kasing mag stay sa library ng mga ilang saglit lang ay nag tungo naman ako sa music room kaya ayon pabalik pa lang nga ako sa dorm
Naka sukbit lang sa balikat ko 'yung gitara ko at nag lalakad ako habang gamit ang earphone ni Trave na hindi ko pa binabalik sa kaniya
Isang earphone lang ang ang nakasalpak sa tenga ko para rinig ko ang paligid na puro kuliglig lang ang naririnig ko
Madilim na ang paligid pero wala akong pake doon, hindi naman ako takot sa dilim na 'yan. Taimtim akong nag lalakad dahil pinapakiramdaman ko ang aking paligid
Bawat hakbang ko ay pinanatili kong walang tunog para walang sagabal sa pandinig ko, kahit naman secure ang academy na'to ay kailangan pa rin namang magingat
Napahinto ako sa pag lalakad ng may marinig akong tunog ng tapak pero kalauna'y nag lakad na ulit ako
Pero napahinto ulit ng may marinig na naman ako at sure akong hindi iyon sakin pagkat siguradong sigurado ako na bawat tapak ko ay walang tunog
Humakbang ulit ako at may narinig ulit akong apak kaya lumingon na ako at saktong paglingon ko ay may isang matigas ba bagay ang tumama sa ulo ko kaya medyo nahilo ako
pilit kong inaninag ang taong humampas sakin at dahil nga medyo nahihilo ako ay hindi ko masyadong makita ang mukha ng taong humampas sakin
Blur ang paningin ko, nahihilo na talaga ako hanggang sa bumagsak na ang katawan ko sa lupa, pumikit ako dahil hilong hilo na ako
YOU ARE READING
MUSICAL ACADEMY (BOOK 1)
Teen FictionWHAT HAPPEN TO THE PAST 3 YEARS?? Genre: ROMANCE, MUSICAL, SLIGHT COMEDY