A/N: Ito pong special chapter na ito ay after po ng competition sa pagitan nila Kiahnna, Stephany at angel. Dalawang araw ang nakalipas po, kung baga hehehe....
.
..
KIAHNNA'S POV:"Ate, may bisita daw na darating!!" Sabi sakin ni Alexis habang nakaupo ako sa gitna ng kama ko at hawak ang gitara niya
"Pake ko??" Pambabara ko dito kaya naman nalukot ang mukha nito
"Share ko lang!!" Asik ni Alexis sakin
"Hindi ko tinatanong" walang ganang sabi ko dito, patabog itong lumabas sa kiwarto ko dito sa dorm
Nang lumabas si Alexis ay nag gitara ulit ako pero napatigil din naman nang tumunog bigla 'yung cellphone ko kaya binitawan ko na muna 'yung gitara ni Alexis para sagutin kung sino 'man ang tumatawag
"Hello, who's this??" Bungad ko sa tumawag
[Hello, Ms. Falcon, ito ay ang Headmistress at may gusto lang akong ipagawa sa iyo]
"Ano po 'yun??" Magalang na tanong ko saka napa kunot ang noo ko
[Busy ka ba??]
"Hindi naman po" simpleng sagot saka tumingin sa study table ko at saka tumayo para kuhanin ang earphone ni Trave na hiniram ko kahapon para hindi na ako mahirapang mag hawak ng cellphone
[May bisitang dadating at ang gusto ko sana na ikaw ang mag asikaso sa kanila. Ayos lang ba sayo iyon??]
"Uhm.... Sige po" pag papayag ko kahit ayoko naman, first time lang ito
[Buti naman at pumayag ka. I-text na lang kita kung parating na sila]
"Sige po" sabi ko pa
[By the way, Kiahnna, dalawang banda sila na galing sa Chasing Dream Academy. Goodluck]
"Sige po.." Sabi ko at akmang ibaba na sana pero
[Bibigyan nga pala kita ng mga pangalan ng bisita kaya magtungo ka dito sa opisina ko, bye]
"Bye po" ang bossy naman ng Headmistress namin, wala 'man lang paki suyo hayy!!
Bumugtong hininga ako saka tumayo para magtungo sa opisina ng Headmistress ng academy na'to. Habang nag lalakad ako ay tumingin tingin lang ako sa paligid, walang pinag bago ganon pa rin
Walang nag bago sa lugar pero sa mga istudyante ay...... MERON
"Kiahnna, musta??"
"Congrats, Kiahnna"
"Ganda ng boses mo po"
"Emotional ang pagkanta mo, ate"
Tulad ng mga 'yan. Kung dati ay parang hangin lang ako pero ngayon.... Putcha!! Para na akong malaking tao dahil lagi akong nakikita at binabati ng kung sino-sino
Dalawang araw na ang nakalipas mula ng competition naming tatlo nila Stephany pero marami pa rin ang hindi maka move on, tsk....
Pagdating ko sa harap ng opisina ng headmistress ay kumatok agad ako at saka dahan-dahang binuksan ang pinto "Good morning po" magalang na pagbati ko
Alas otso lang naman kasi ng umaga, ang aga-aga tapos may ipapagawa pa sayo!! Buti wala kaming klase ngayon at hindi ko alam kung bakit. Sa totoo lang pag may balita ang academy ako lagi ang nahuhuli sa balita, bakit kaya?? Siguro dahil wala naman akong pake hahahaha
YOU ARE READING
MUSICAL ACADEMY (BOOK 1)
Roman pour AdolescentsWHAT HAPPEN TO THE PAST 3 YEARS?? Genre: ROMANCE, MUSICAL, SLIGHT COMEDY