TRANCZEL POV:
Habang naglalakad ako patungo sa music room dahil mag si-six na ng umaga kaya kailangan nang magtungo sa music room
Nakita ko si Jexxica na nakaupo sa isang bench, hindi ko sana siya papansinin pero naalala ko na wala pa pala akong partner para sa duet kaya nilapitan ko siya
"Jexxica!!" Tawag ko at tumingin naman siya
"Hmmm??" Tanong niya
"May partner ka na ba sa duet??" Tanong ko
"Suspendi ako diba?? Pano ko malalaman na may duet pala" sabi niya, mataray itong isang ito, kung si Mianne ay mature kung mag-isip, si Fathene ay childish, si Dessiree ay maingay, si Crizel ay chismosa, si Jexxica naman ay mataray, tapos si Kiahnna mapambara
"Pwedeng ikaw na lang partner ko??" Tanong ko
"Sa tingin mo ba may gustong makipag partner sakin maliban sayo??" Mataray na tanong niya sakin at umiling lang ako, takot lang ng mga istudyante dito kay Jexxica
"Sige tayo na lang" sabi ko at tumango naman siya
"Hindi ka ba pupunta ng music room??" Tanong niya
"Pupunta, bakit??" Tanong na sagot
"6:05 na kasi, late ka na" sabi niya kaya napatingin ako sa relos ko at 6:05 na nga kaya naman tumakbo na ako papunta sa music room kahit hindi pa ako nag papaalam kay Jexxica na aalis na
"YOUR LATE!!" Bungad sakin pagpasok ko sa music room
"I'm sorry" paghinge ko ng tawad dahil kasalanan ko hindi naman mataas yung pride ko
"Where the hell have you been??" Cold na sabi ni Leader, pinalibot ko yung tinge ko sa music room pero may isa pang kulang
"Hindi lang naman ako yung late" sabi ko at magsasalita na sana si Leader ng biglang bumukas yung pinto at pumasok roon si Kiahnna kasama si Jexxica
"Your late" sabi ni Leader, tinignan naman siya ni Kiahnna at saka ngumisi
"Hindi ko tinatanong kung late ako dahil alam ko" pambabara ni Kiahnna kay Leader
"Burn" sabi ni Lexious
"Shut up, Lexious" sabi ni Leader
"Let's start" sabi ni Kiahnna kaya pumunta na ako sa bass guitar ko at saka inayos yun, isinabit ko sa yung strap sa balikat ko dahil para sa balikat talaga yun
"Game" sabi ni Leader, nag simula na si Zenthley dahil siya ang guitarist
Naging smooth ang practice namin, walang naging mali pero kailangang paulit ulitin para mas maayos siya
Huminto kami ng makita naming nag cross ng braso si Kiahnna ibig sabihin stop muna kami, may mali siguro siyang narinig. Tumayo si Kiahnna
"Lexious, pwedeng hinay hinay lang sa pagpalo, ang sakit kasi sa tenga" sabi ni Kiahnna, ang bait ng pag kakasabi niya kay Lexious nun kaya nakita ko rin ang paninibago kay Kiahnna
"Ok" simpleng sagot ni Lexious
"Thank you" lalo kami nanibago dahil nag thank you si Kiahnna pero kanina nambara pa siya kay Leader
"Again" sabi ni Kiahnna, at nag simula ulit si Zenthley na mag strum na sinundan naman namin ni Lexious at ni Spencer, kahit naman pianist lang si Spencer ay pwede rin siya dito sa banda
Nasa bandang chorus ng mag cross ulit ng braso si Kiahnna kaya huminto ulig kami, pansin ko lang bakit puro si Kiahnna nakakapansin ng mali bakit si Leader hindi??
YOU ARE READING
MUSICAL ACADEMY (BOOK 1)
Teen FictionWHAT HAPPEN TO THE PAST 3 YEARS?? Genre: ROMANCE, MUSICAL, SLIGHT COMEDY