CHAPTER 21:

554 35 0
                                    

TRAVE'S POV:

Nagising ako dahil sa araw na tumatama sa mukha ko. Tumayo na ako at ginawa ang morning routine ko saka bumaba sa sala

Agad akong sumalampak sa sofa dahil pakiramdam ko ay ang bigat bigat ng katawan ko. Sumandal ako sa sofa at ipinikit ang mata ko

"Leader!!" Napadilat ako ng tawagin ako ni Tranzcel galing sa kusina, ito siguro ang nakatoka sa pag luluto ngayong araw

Dahit bawat araw ay may naka assign kung sino ang mga luluto saka sino ang mag huhugas ng pinagkain pero dahil hindi naman ako marunong magluto ay sa pag huhugas lang ako na a-assign

Pagkatapos naming kumain ay may ginawa silang lahat. Tumingin ako sa pinto ng dorm nami dahil balak ko sanang lumabas pero saan naman ako pupunta??

Bumuga ako ng hangin saka umupo sa tabi ni Tranczel na nililinis 'yung bass guitar niya pero tumayo rin ako at saka lumabas ng dorm namin at nag lakad lakad na lang

Napahinto ako sa tapat ng music room dahil may naririnig akong nag vi-violin doon. Binuksan ko 'yung pinto at nakita ko si Fathene na nag vi-violin habang si Kiahnna ay nakatingin lang kay Fathene

"Kiahnna, kanina ka pa nakatingin sakin" tumigil si Fathene nang mapansin niyang kanina pa nakatitig sa kaniya si Kiahnna

"Nan desuka??" napataas 'yung isang kilay ni Fathene dahil sa sinabi ni Kiahnna

"Ayusin mo nga 'yung salita mo" nakangusong sabi ni Fathene

"Nan desuka in english what" sabi ko at tuluyan nang pumasok sa music room saka sinarado 'yung pinto

"Good morning, Trave" masiglang bati sakin ni Fathene at tango lang ang binalik ko saka tumingin kay Kiahnna na agad namang umiwas ng tingin sakin

"Alis na ako" paalam ni Kiahnna na parang nag mamadali

"Kala ko ba may itatanong ka sakin??" Nag tatakang tanong ni Fathene kay Kiahnna na hawak na 'yung door knob ng music room

"Sa iba na lang ako mag tatanong" sabi ni Kiahnna saka umalis na nang music room

"Trave, si Xynon??"

"Dorm" simpleng sagot ko, ngumiti naman siya ng malaki saka binaba 'yung hawak niyang violin saka tumakbo papalabas ng music room

Umiiling na nag lakad ako patungo sa mga wind instrument na naroon. Kinuha ko 'yung flute at saka nag simulang patugtugin ito

Iniisip ko si Kiahnna dahil wala 'man lang siyang sinabi tungkol sa sinabi ko kahapon sa kaniya, umalis lang siya pagkatapos ng kanta na dapat susundan ko ngunit napag isip-isip ko rin na kailangan niya ng time

Saming K.H.M si Xynon ang pinaka talented pagkat Lead Guitarist siya, marunong din siyang mag pinta, He knows how to sing, marunong din siyang mag drum hindi nga lang halata, marunong din siyang mag luto, at matalino ito. Para sakin lang naman

Si Lexious naman ay He just know how to play drums, He knows how to rap but just a little faster, marunong din siyang sumaway at marunong ding kumanta

Si spencer naman ay nag pi-paino or keyboard, nag vi-violin din ito, nag ba-balalaika rin pero ayaw niya sa gitara, marunong itong mag hack hindi lang halata sa ugali at mukha niya

Si Tranczel naman ay nag ba-bass guitar, nag gi-gitara rin 'yun, marunong mag archery, mag ayos ng mga electric things, at marunong din itong mag luto- lahat naman sila, sila lang dahil hindi ako marunong

Si Zenthley naman ay halos parehas lang sila ng kakambal niya maliban sa pag pi-pinta, at saka sa pag gi-gitara pagkat hindi kaya ni Zenthley ay ang mag Lead Guitar

MUSICAL ACADEMY (BOOK 1)Where stories live. Discover now