THIRD PERSON'S POV:
Habang nasa garden sila Kiahnna ay nag sasayaw naman sila Mianne at Andrean
"Titig na titig ka" umiwas ng tingin si Mianne dahil sa sinabi ni Andrean
"Ang gwapo ko kasi" napairap na lang si Mianne dahil sa kahanginan ni Andrean
"Abno ka ba?! Nakamakara ka tapos sasabihin mong gwapo ka" iritang sabi ni Mianne, hindi nga niya alam sa sarili niya kung bakit siyang pumayag na ito na lang ang partner niya
"Kahit naman walang maskara gwapo ako" mahangin na sabi ni Andrean at napadaing ito dahil hinampas ni Mianne 'yung noo niya
"Bakit ka ba nang no-noo??" Iritang tanong ni Andrean kay Mianne sabay kurot sa bewang nito
"Aww" daing ni Mianne dahil medyo masakit 'yung kurot ni Andrean "Andrea talaga dapat pangalan mo eh hindi Andrean" inis na sabi ni Mianne saka iniwanan si Andrean sa dance floor
"Wow!! Ang galing iniwan ako dito!!" Sarcastic na sabi ni Andrean habang pumapakpak pa
"Hoy!! Walang kalapate dito kaya wag kang pumalakpak" napa-plastikuhang tumingin si Andrean sa lalaking sinabihan siya
"Gusto mo bang magkaroon ng kalapate?? Sabihin mo lang handa akong paliparin ka habang pumapakpak" nag iwas naman ng tingin 'yung lalaki at tinuon na lang ang tingin sa kasayaw nito
Bumugtong hininga si Andrean saka umalis doon sa dance floor at hinanap si Mianne na kung saan pumunta
Natagpuan ni Andrean si Mianne na nasa likod ng gymnasium habang yakap ang sarili dahil nilalamig ito at nakatingin sa malayo
"HOY!!"
"Ayy nanay ko!!" Napatalon si Mianne dahil sa pang gugulat ni Andrean, nasa malalim ang isip ni Mianne kaya ganon na lang siya nagulat
"Bwisit ka talaga!!" sigaw ni Mianne kay Andrean saka hinampas sa braso
Tumalikod si Mianne kay Andrean. Hinubad ni Andrean 'yung coat niya at ipinatong sa balikat ni Mianne kaya napalingon sa kaniya si Mianne
"Thank you"
"You're welcome"
Tumahimik ang paligid pero hindi naman nakakailang ang katahimikan kaya ayos lang pero binasag rin 'yun ni Mianne
"What do you think about Kiahnna??"
"Fierce woman, strong, dahil kung hindi siya matatag hindi niya makakayanan ang lahat ng nangyari sa kaniya" sumang-ayon naman si Mianne
"Lalo na 'yung aksidente noong nakaraang tatlong taon. Masyadong malala, Dalawang beses siyang nag agaw buhay, dalawang beses na nasaktan sa emosiyon pero ito pa rin siya patuloy lang sa pag-usad ngunit ang nakakalungkot ay 'yung pag babago niya"
"Pero kung mas nakakabuti para sa kaniya 'yung pag babago niya ay mas ayos na sakin 'yun kaysa naman mag suffer lang siya" tumango tango si Mianne sa sinabi ni Andrean
Ito 'yung unang beses na nag-usap sila ng maayos, walang kahanginan at walang inisan na naganap. Isang seryosong usapan ang nangyari
"Maayos ka naman pala ka-usap eh wag ka nga lang mag mamahangin" nakangiting sabi ni Mianne kay Andrean saka ginulo nito ang buhok ni Andrean
"Thanks pero mabait naman talaga ako eh"
"Pfft... Oo na lang" nagpigil na tawang pag sang-ayun ni Mianne sa sinabi ni Andrean
YOU ARE READING
MUSICAL ACADEMY (BOOK 1)
Подростковая литератураWHAT HAPPEN TO THE PAST 3 YEARS?? Genre: ROMANCE, MUSICAL, SLIGHT COMEDY