SPENCER'S POV:
"Guys!! May sasabihin ako" nasa cafeteria kami ngayon at nasa iisang table lang kami ng G.H.M dahil ewan ko kung bakit biglang napuno 'yung cafeteria ngayon
"Ano na naman 'yun??" Tanong ni Dessiree habang kumakain
"Good news o bad news??" Tanong din ni Crizel habang pasubo palang
"Good news 'to" sabi ko at nakita ko 'yung mukha ni Crizel na naging excited
"Alam nyu bang...... Ang gwapo ko" sa sinabi ko ay nakatanggap ako ng batok galing kay Jexxica dahil siya 'yung katabi ko
Wala si Kiahnna at hindi ko alam kung nasaan 'yung babaeng 'yun, lagi naman nag iisa yun dahil mas gusto niya 'yun
Natahimik ang buong nang umingay ang speaker na kumukuha ng atensiyon namin
*GOOD DAY, STUDENT OF MUSICAL ACEDEMY. PAPAYAGAN NAMIN KAYONG LUMABAS NG ACADEMY PARA BUMILI O MAG RENTA NG GOWN NA SUSUOTIN NYU SA GAGANAPING MASQUERADE PARTY FOUR DAYS FROM NOW KAYA BAWAL MAG PAGAWA NG GOWN.... THAT'S ALL AND ENJOY YOU'RE MEAL*
Pag katapos ng announcement ay kaniya kaniyang tilian ang mga babae at lahat ng istudyanteng nasa loob ng cafeteria ay halatang mga excited samantalang ako ay hindi dahil wala pa naman akong partner
May rules pa naman na 'No partner no entry' kaya hindi ako excited, hayy
Wala naman kasing pumasa sa standard ko tanging si Dessiree lang pero pano ko siya yayayain??
Lalapit palang ako sa kaniya kinakabahan na agad ako, hindi ako tigilan ng kabang iyon para mag tanong kay Dessiree
Tumingin ako sa entrance ng cafeteria habang kumakain at muntik ko ng maibuga 'yung pagkain na nasa bibig ko dahil sa nakita
Nakaakbay si Andrean kay Kiahnna habang si Kiahnna ay nakasimangot at halatang ayaw sa akbay ni Andrean
Nag lalakad sila patungo rito kaya tumingin ako kay Leader na nasa tabi ni Lexious, nakatalikod ito sa entrance kaya paniguradong hindi niya nakikita sila Kiahnna
"Hello Guys!!" Sabi ni Andrean habang naka akbay pa kay Kiahnna na pilit inaalis ni Kiahnna, nakabusangot nga si Kiahnna na— ang sama sama nga ng mukha
"Pwedeng maki table??" Tanong ni Andrean at tumango naman si Leader habang hindi nakatingin kayla Kiahnna
Excited na umupo si Andrean sabay hila sa kay Kiahnna para maka upo ito sa tabi niya tapos si Andrean naman ay tumayo
"D'yan ka lang, ililibre kita tulad ng napag usapan natin" pigil ni Andrean kay Kiahnna na akma itong tatayo at susunod sa kaniya
Umupo naman ng tahimik si Kiahnna habang si Andrean ay nasa counter para pumila at bumili. Nag labas ng earphone si Kiahnna saka isinalpak sa tenga niya
"Hmmm~~ Hmmmm~~" nag hu-humming si Kiahnna habang nakatingin sa gilid niya at 'yung daliri niya ay tinutuktok ng mahina 'yung table, para siyang nag pa-piano
At nang dumating si Andrean ay nagsimula nang kumain si Kiahnna pero napakabagal, halatang ayaw niyang kumain at hindi pa niya kinakain 'yung hipon sa pag kain
"Try mo itong hipon, Kiahnna" sabi ni Zenthley pero umiling lang si Kiahna para sabihing ayaw niya, wala ja 'yung earphone niya dahil tinanggal ito ni Andrean kanina
"Masarap 'to, try mo" sabi ko pero iling lang ulit siya samin
"Sige n–"
"Allergic siya sa hipon" napatigil ako sa pag sasalita dahil sa sinabi ni Andrean
YOU ARE READING
MUSICAL ACADEMY (BOOK 1)
Teen FictionWHAT HAPPEN TO THE PAST 3 YEARS?? Genre: ROMANCE, MUSICAL, SLIGHT COMEDY