THIRD PERSON'S POV:
Nang sumapit ang umaga ay pinatawag ang lahat ng istudyante na a-attend sa party na gaganapin mamayang gabi
Nang matipon na ang lahat ng istudyante ay sinabi lang ang dapat at hindi dapat sa party na 'yun
"Walang mag ma-make out, walang mag papakalasing ng sobra..... Blah.... Blahhh"
Napangiwi si Kiahnna dahil sa 'make out' na salita saka napailing iling na lang..
Alas tres palang ng hapon ay abala na ang mga istudyante sa Musical academy, nag hahanda sila para sa gaganaping Masqurade party
Samantalang si Kiahnna ay nakatunganga lang sa loob ng kaniyang kuwarto at hindi alam kung anong gagawin, kung saan mag sisimula
'Boring naman ng araw na'to'
Si Alexis ay nasa salon na nasa labas ng Academy, pwede naman daw lumabas basta may importanteng gagawin sa labas ng academy
Ang G.H.M naman ay nag hired na lang mag aayos sa kanila para nga hindi na sila lalabas ng academy at hindi sila maiinitan
Sinimulang ayusan ang G.H.M samantalang si Kiahnna ay humiga lang sa kama niya dahil bored na bored na siya sa loob ng kuwarto niya
Kaya naman ay lumabas siya at nag ikot sa buong academy hanggang sa mapatigil siya sa harap ng pinto nang Gymnasium
Tinitigan lang ito ni Kiahnna saka nag lakad na ito ulit hanggang sa mapagod 'yung paa niya kaya naupo na muna siya sa isang bench
Alas otso ang simula ng Masqurade party pero dahil matagal ang presoso ng paghahanda ay kailangan kumilos ng maaga para hindi gahulin
Tumayo si Kiahnna sa bench at nagulat siya nang makita niya si Jexxica na nakatayo malapit sa kaniya
"bakit gumagala ka pa??" Tanong ni Jexxica kay Kiahnna
"Bakit bawal ba??" Tanong na sagot ni Kiahnna, naglakad papalapit si Jexxica kay Kiahnna
"Sumama ka sakin may pupuntahan tayo" sabi ni Jexxica, nang hindi kumilos si Kiahnna ay hinatak na lang ito ni Jexxica patungo sa dorm nila pagkat kailangan na nitong mag ayos
Hatak hatak lang ni Jexxica si Kiahnna sa braso hanggang sa madaanan nila ang isang construction site
Huminto si Kiahnna sa tapat ng construction site kaya napahinto rin si Jexxica saka tinignan kung ano ang pinag hintuan nila
"Anong tinatayo nila??" Tanong ni Kiahnna kay Jexxica habang naka tingin sa construction site
"Hindi ko rin alam kung anong meron d'yan sa construction site na 'yan" sagot ni Jexxica kay Kiahnna
"Tara na" sabi ni Jexxica sabay hila kay Kiahnna
"Saan ba tayo pupunta??" walang kalatoy-latoy na tanong ni Kiahnna kay Jexxica
"Basta" simpleng sagot ni Jexxica
"May lugar bang basta??" Sarcastic na tanong ni Kiahnna, umiling na lang si Jexxica at hindi pinansin ang tanong ni Kiahnna sa kaniya
Tahimik lang na nag pahila si Kiahnna kay Jexxica hanggang sa makarating na sila dorm ng G.H.M
"Ano naman ang gagawin ko dito??" Bored na tanong ni Kiahnna habang tinitignan niya ang buong dorm nila Mianne o ng G.H.M
Habang si Jexxica ay nagtungo sa kusina para kumain doon ng saglit
Napatingin si Kiahnna sa taas ng makita niyang bumukas ito at lumabas si Crizel at naka bathrobe ito na kulay black
YOU ARE READING
MUSICAL ACADEMY (BOOK 1)
Teen FictionWHAT HAPPEN TO THE PAST 3 YEARS?? Genre: ROMANCE, MUSICAL, SLIGHT COMEDY