KIAHNNA'S POV:
Nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa bewang ko, ang sakit ng likod ko. Ang tigas naman kasi ng higaan eh
Dumilat ako at nagtaka dahil sa nakita ko sa aking paligid. Agad akong bumangon nang makita kong wala ako sa aking silid
Tumingin ako sa paligid at napatampal na lang ako sa aking noo ng maalala kong nasa tent nga pala kami ni Trav.... Wait
Tumingin ako sa tabi ko at napasinghap ako dahil kitang kita ko 'yung mukha ni Trave na mahimbing na natutulog
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng tent, sumalubong sakin ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa aking sarili
Madilim pa ang paligid dahil siguro ay madaling araw palang. Bumalik ako sa loob ng tent para kuhanin 'yung cellphone ko
Bago lumabas ay pinictur-an ko muna si Trave dahil ang gwapo pa rin niya kahit na tutulog
Pagkatapos kong picturan si Trave ay lumabas na ako ulit ng tent
Tinignan ko yung oras at tama nga ako dahil ala singko lang ng umaga, kaya pala malamig ang simoy
Tumingala ako para sana tumingin ng mga bituin ngunit ganon na lang ang pagkalungkot ko dahil kahit isa ay wala akong nakitang bituin
Binuksan ko 'yung flashlight ng cellphone ko saka nag simulang mag lakad kung saan 'mang dako ako mapunta, may signal naman kaya ayos lang kahit maligaw ako rito hahahaha
Sa pag lalakad ko ay may natagpuan akong isang maliit na batis na sobrang linis, ang ganda nitong pag masdan lalo na sa malapitan
Nag hilamos ako roon at nag mumog na rin. Bwisit naman kasi itong si Trave, sana naman nag handa ito ng todo hindi 'yung hihilahin lang niya ako patungo dito
Naupo ako at saka nag muni-muni nang biglang mag ingay 'yung cellphone ko. Dali dali ko itong kinuha at saka sinagot
[Where are you??]
Bungad agad sakin ni Trave nang ito ay sinagot ko, "Nasa malapit lang ako, mag dare-daretso ka lang hanggang sa may makita kang batis" sagot ko sa tanong niya
[Bakit ka nag lilibot ng mag isa?? At saka pwede bang bumalik ka na rito?? Papasok pa tayo kaya kailangan na nating bumalik sa academy ng maaga]
Dahil sa sinabi niya ay agad akong napatayo saka tumakbo pabalik sa lugar kung nasaan kami kahapon
Habang tumatakbo ako ay pinatay ko na 'yung tawag niya. Nasa malayo pa lang ako ay tanaw ko na agad si Trave na nakatayo sa harap ng tent habang naka pamulsa
"Let's go" 'yun agad ang sinabi niya sakin pagkalapit ko sa kaniya
Kinuha ko lang naman 'yung gitara ko pagkat 'yun lang naman ang tanging bitbit ko nang hilahin ako patungo dito ni Trave
Nakarating kami sa academy at halos mag kada uga-ga ako pag gagayak para makapasok
"Ate, saan ka galing?? Hindi ka umuwi kagabi. Akala ko nga napano ka na" tanong sakin ni Alexis habang nag sasapatos ako
"D'yan lang" simpleng sagot ko at bigla na lang bumigat ang paligid, naging tense ang paligid namin kaya nag angat ako ng tingin kay Alexis. Napakurap kurap ako dahil ang dilim ng mukha nito
"Hoy?? ayos ka lang??" Nag aalalang tanong ko rito at saka binalik ko ang tingin ko sa pag sasapatos
"Yeah, May naalala lang ako na bad news" sagot sakin ni Alexis kaya nagtaka ako
YOU ARE READING
MUSICAL ACADEMY (BOOK 1)
Teen FictionWHAT HAPPEN TO THE PAST 3 YEARS?? Genre: ROMANCE, MUSICAL, SLIGHT COMEDY