KIAHNNA'S POV:
*CONTINUATION OF FLASHBACK (3 YEARS AGO)*
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil na rin sa katok, nang tignan ko 'yung orasan sa bed side table ko ay alas kuwatro lang ng umaga
"What??!!" Iritang tanong ko sa taong kumatok sa pinto nang kuwarto ko
"Get up, Kiahnna" napatingin ako sa pinto at agad din namang inulublob ang mukha ko sa unan ko
"Hey!! Bumangon ka na d'yan kung ayaw mong buhusan pa kita ng tubig" mataray na sabi ni Mom kaya napabango ako ng wala sa oras
"Ang aga-aga pa, Mom!!" Reklamo ko, alas kuwatro lang tapos papabangunin niya na ako
"Kaya nga para mas maaga tayo makarating sa cebu" sabi ni Mom kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo na sa kama ko
"Arghh!! Inaantok pa ako eh" bulong ko habang unti-uting inaalis 'yung kumot sa katawan ko
Umupo ako sa edge ng kama ko at saka nag dasal. Tumayo na ako pag katapos kong mag dasal saka nagtungo sa C.R para gawin ang morning routine ko
Nag suot lang ako ng Longsleeve na kulay black, iti-nack in ko ang kalahati at 'yung isa ay nakalaylay lang
Tiniklop ko ang sleeve nito hanggang sa siko ko at saka naka jeans akong kulay dark blue habang naka black akong rubber shoes
Pinatuyo ko ang buhok ko at saka ito inipitan ng pony tail, kinuha ko ang sobrero kong may tatak na 'EXO' sinuot ko ito
Kinuha ko na ang gitara ko at saka ito nilagay sa lalagyanan nito bago isinukbit sa balikat ko. Kinuha ko na rin 'yung bluetooth earphone kong kulay puti
Kinuha ko na rin ang bag pack ko saka lumabas na ng kuwarto ko. Pag kababa ko ay inilapag ko 'yung gitara ko sa sofa kasama ang bag ko
"Ilang araw ba tayo roon, Mom??" Tanong ko ng makita ko itong pababa ng hagdan
"Isang linggo" sagot niya at pinakita pa ang kaniyang isang daliri
"What??! Isang linggo??" Paninigurado ko at tumango naman agad si Mom
"Sasabihin ko lang sa banda ko" sabi ko at kukuhanin na sana ang cellphone ko sa bulsa ng jeans na suot ko nang pigilan ako ni Mom
"Wag na, nasabi ko na sa kanila" nakangiting sabi ni Mom at tinaas baba pa niya ang kilay niya
Bumuga ako ng hangin saka umupo sa sofa at nilabas ang cellphone para mag patugtog, ki-nonect ko na ang cellphone ko sa bluetooth earphone ko kaya namili na lang ako ng kanta sa playlist ko
"Hmmmm~~ hmmm~~~" pag hu-humming ko ng mahina habang tinatapik tapik ang hita ko kasabay ng beat sa kanta
Nakaupo lang ako doon sa sofa hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising na lang ng may umuuga sa balikat ko
"Kiahnna, gising"
Umungol lang ako at hindi pa rin iminumulat ang mata dahil antok na antok talaga ako
"Kiahnna, gumising ka na d'yan" dahan dahan kong imimulat ang mata ko at bumungad sakin ay si Jexxica kaya napakunot ang noo ko
"Tara na, aalis na tayo" sabi ni Mianne kaya tumayo na ako saka kinuha na 'yung mga gamit ko
Lumabas na kami ng bahay namin at nagtungo sa garahe pagkat andoon ang sasakyan namin na van patungo sa cebu
YOU ARE READING
MUSICAL ACADEMY (BOOK 1)
Teen FictionWHAT HAPPEN TO THE PAST 3 YEARS?? Genre: ROMANCE, MUSICAL, SLIGHT COMEDY