CHAPTER 6: Party

94 3 0
                                    

Nasa pool area na kami, pagkatapos ma-introduce ang mga Walton. Nagsimula na nga ang party. Ang iba ay abala sa music at sumasayaw na sa dance floor habang ang iba ay nakababad na sa pool.

Dumating na rin si Kuya Jonas pero hindi wala siya dito sa table namin, nakipag-usap pa yata sa mga kaibigan. Mag-isa na lang ako rito sa table namin. Si Lillien kasi lumapit sa mga kakilala. Inaaaya niya ako pero tumanggi ako.

"Can I sit here?" Napa-angat ako ng tingin sa isang pamilyar na lalaki. He's now wearing a white polo shirt, hindi gaya ng mga kalalakihan kasi rito, lahat naka-tuxedo.

Wait, siya yung pinagtanungan ko kanina, hindi ba?

"Sure." Tipid kong sagot.

Agad naman nitong hinila ang isang upuan sa gilid ko.

"Wala kang kasama?" He asked. Aware akong nakatingin siya sa'kin pero hindi ko liningon. Diretso lang ang aking tingin sa harap.

"Meron, umalis lang sila saglit." Sagot ko.

"I'm Luke. And you are?" Hinarap niya na ako kaya humarap na rin ako sa kanya. I'm about to shake his hand when someone interrupted.

"Luke, your Dad is looking for you." May diin ang boses nito. Kakaibang init na naman ang aking naramdaman.

It's him, it's Isaiah. Anong ginagawa niya dito? Bakit hindi siya dun sa babae niya?

"Really?" Tumayo si Luke at takang nakatingin kay Isaiah.

Dumapo naman ang mga mata ni Isaiah sa'kin. Those eyes, it's intimidating. Really.

"Oh I see. Okay, gotta go." Hindi ko alam pero sa tono ng pananalita ni Luke may bahid na ng pang-aasar.

"What's your name again cute girl?" Lumingon ito sa akin habang malawak ang ngiti. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa huli niyang mga salita.

Nakita kong sinamaan siya ng tingin ni Isaiah pero ngumiti pa lalo si Luke.

"Aril." Nahihiyang tugon ko rito.

Kumaway lang ito sa akin. May binulong pa siya kay Isaiah bago tuluyang umalis pero hindi ko narinig.

Siya na ngayon ang nakaupo sa tabi ko kung saan nakaupo kanina si Luke.

"Bakit ka nandito?" Hindi ko maiwasang tanong. Hindi ko siya tinignan.

I heard him cleared his voice bago nagsalita.

"Are you still mad?" Mahina pero tama lang 'yon para marinig ko.

Hindi ko na naiwasan at tuluyan na akong humarap sa kanya. Magkasiklop ang dalawang kamay niya habang nakapatong sa table. Malambot ang aura niya ngayon unlike before. I hate to admit it but I missed his presence. It's already 2 weeks na hindi ko siya nakita.

Magsasalita na sana ako pero parang may bara sa lalumunan ko, nahihirapan akong magsalita. Feeling ko kasi magbre-breakdown yung boses ko. Anytime, tutulo na rin luha ko.

Ramdam ko ang paninitig nito sa akin. Ang babaw ko ba? Bakit ang sensitive ko? Maliit na bagay lang 'to, Aril.

Bago pa man tumulo ang luha ko, nagulat ako sa biglaang paghatak nito sa akin sa kung saan.

"Yung kamay ko, ano ba?!" Mahina pero may bahid ng galit  ang tono ng boses ko. May iilang pinagtitinginan kami at nagbubulungan pero hindi ko 'yon pinansin.

Hila-hila niya pa rin ako hanggang sa makarating kami sa likod ng mansyon.

"Ano bang problema mo?!" Agad kong binawi 'yong kaliwang kamay ko.

The Real Owner Where stories live. Discover now