Nagising ako sa katok ni Manang sa pintuan ng aking kwarto.
"Iha! Bumangon ka na at naghihintay ang Kuya Jonas mo sa baba." Ulit ni Manang. Agad naman akong bumalikwas.
"Opo, Manang. Pakisabi nalang po na hintayin niya ako sandali." Sagot ko habang tinatamad na dumiretso sa bathroom.
Kulang na kulang tulog ko. Si Kuya Jonas ang susundo sa akin ngayon, semestral break namin kaya doon ako sa Manila pupunta kung saan sila nakatira.
Pagkatapos kong maligo, agad akong nag-ayos. Kagabi ko pa inimpake ang mga kakailanganin ko.
Pagkababa ko, nakita kong naka-abang si Kuya Jonas kasama si Isaiah?! Alam kong si Isaiah iyon dahil sa seryosong aura nito. Bakit siya nandito?
"Sorry Kuya." Agap ko nang makalapit ako sa sala.
"Tara na. Ako na magdadala nito sa sasakyan." Offer ni Kuya habang dala-dala ang mga gamit ko.
Nagpaalam ako kay Manang bago umalis, marami siyang binilin sa'kin gano'n rin ako sa kanya dahil sila nalang ni Manong ang matitira dito sa bahay. Si Daddy kasi nag out of the country.
Laking gulat ko nang isang Ford na kulay puting pick-up ang nasa harap ng bahay namin. Ang alam ko, hindi ito ang sasakyan ng pinsan ko.
"Pasensiya ka na, Aril. Hindi kita masasamahan pa-Manila, pinapagawa ko ang sasakyan dahil wala sa condition. Baka sumunod nalang ako mamaya." Wika ni Kuya dahil napansin niya ang pagtataka sa mata ko.
Tinapik niya lang si Isaiah at tinanguan lang niya ang pinsan ko. Hindi na rin ako nakatanggi kasi nasa sasakyan na niya ang mga gamit ko.
Bubuksan ko na sana ang pintuan sa backseat pero agad siyang pumunta sa harap at binuksan iyon. He's not even asking me to hop on. Nagbuntong hininga lang ako bago pumasok.
Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. In my peripheral vision I saw his mouth moving to say something sana pero agad niya rin iyong itinitikom.
"Where's your brother?" I asked politely.
Nakalingon na ako ngayon sa kanya. Kunot noo itong bumaling saglit sa'kin bago sa daan.
"Why are you asking?" Takang tanong niya habang seryosong nakatingin sa kalsada.
Ngayon ko lang napansin ang kulang itim na polo shirt na suot niya habang naka-maong pants na naman ulit ito pero dark blue na ito ngayon. Formal na black shoes rin ang suot niya. He's so manly right now, manly naman siya pero ngayon ay kakaiba. Amoy rin hanggang dito ang pabango niya, ang sarap amuyin. Ay teka nga, bakit ba iyon ang napapansin ko?
Napansin niya yata ang titig ko sa kanya kaya bumaling siya sa akin.
"Uh wala naman. Ibabalik ko na sana 'yong damit na pinahiram niya." Agad kong sagot nang mabalik sa tamang huwisyo.
"Hey, wake up." Bigla akong nagising sa boses na 'yon. Pagmulat ko, naka-park na pala kami sa isang restaurant na halatang mamahalin.
"Saan na tayo? Anong ginagawa natin dito?" I asked.
"Kakain?" Patanong niyang sagot, isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi niya bago muling nagseryoso. Sana lagi nalang siyang nakangiti.
"Let's go." Patuloy niya bago tuluyang lumabas at dali-daling pumunta sa banda ko para pagbuksan ako.
"Thank you." Tipid kong sagot ng makababa sa sasakyan.
Halos lahat ng kumakain sa restaurant ay linilingon kami. Kami nga ba o si Isaiah lang? Aminado naman akong gwapo si Isaiah, kaya 'di na 'yon nakakapagtaka.
YOU ARE READING
The Real Owner
عاطفيةSi Arillena Mayona ay isang practical na tao kahit pa ito'y galing sa may kayang pamilya, hindi siya kailanman nanghingi ng luho sa kanyang Ama. She wants to finish her studies para ito ay makatulong sa kanilang negosyo. While she's busy on her drea...