CHAPTER 14: Changed

79 3 0
                                    

"Kayo na?!" Napalakas ang boses ni Lesli kaya pinanlakihan ko siya ng mata

"Sorry. Pero kasi, bakit ang bilis?" Usisa nito

"Bakit ba papatagalin? Do'n rin naman ang punta?"

"Sabagay.." Mahinang sagot niya

Maaga ako pumasok ngayon. Saktong kahit si Lesli napaaga dahil sa patient niya.

"Hindi pa rin ako makapaniwalang kayo na." Bulong nito na kinikilig

"Tumigil ka nga r'yan, pahalata ka e. May makarinig pa sa'yo." Sagot ko

"Don't worry, Aril." Sumenyas pa 'tong tatahimik lang. Parang bata talaga si Lesli, paano ko ba 'to naging kaibigan? Eh salungat ugali sa'kin.

"Nga pala, birthday ng pinsan ko sa darating na sabado. Sama ka." Aya nito sa'kin

"Where?" Agad kong tanong

"La Union. Sa isang beach resort nila sa San Juan." She explained.

"Okay, sige." Sagot ko habang nakangiti

Ni hindi ko na natanong kung sinong pinsan niya 'yon.

Pagkalabas ko sa school, may itim na raptor ang nakaabang. Alam ko na agad kung kanino 'yon.

Nakangiti ito habang nakasandal sa gilid ng kanyang sasakyan. Nagtaka man, tuluyan ko siyang nilapitan at nginitian.

"Good mood tayo ah. Nakakapanibago!" Bungad ko

"How can't I?" Makahulugang sagot nito habang tumataas ang dalawang makakapal na kilay.

Nasapo ko nalang ang noo ko sa kanyang itsura. Sumenyas na akong pumasok na sa loob at baka may makakita pa sa'min.

Naalala ko 'yong imbistasyon sa'kin ng kaibigan kong si Lesli.

"Pupunta pala ako sa La Union sa Sabado."

"And?" Tipid na tanong nito.

Kung hindi lang dahil sa suot nito, mapagkakamalan kong hindi siya si Isaiah. Sobrang gaan kasi ng aura niya hindi gaya sa impression ko sakanya no'ng una.

"Wala, ipapaalam ko lang. Birthday daw 'yon ng pinsan ni Lesli." Paliwanag ko

"Puwede bang sumama?" He asked

"Oo naman. May trabaho ka, hindi ba?" Tanong ko

"Oo pero siguro, susunod nalang ako." He answered

"Ah." Tumango-tango nalang ako bilang tugon.

Matagal kong hindi nakikita rito sa Baguio si Ismael, saan kaya siya?

"Nga pala, si Ismael?" I asked

Binigyan niya lang ako ng nagtatakang tingin.

"Hindi ko na kasi siya nakikita nitong mga nakaraang araw." I explained.

"He's in La Union. May inaasikaso." Sagot niya.

"Kunin mo yung paper bag sa likod." Utos niya.

Agad ko namang hinanap 'yon at kinuha.

"Bakit 'to?" I asked

Kahit na may clue ako kung ano 'yon. Nakatatak sa paper bag na 'to ang mamahaling brand.

"Open it." He said.

Paminsan-minsa'y lumilingon ito sa akin pero diretso sa kalsada ang tingin nito dahil nagda-drive nga naman.

Nanlaki ang mga mata ko nang silipin ko 'to. Iyon 'yong bag sa SM! Pero bakit? Sabi ko 'wag na dahil mahal!

"No, hindi ko 'to matatanggap." Agap ko.

The Real Owner Where stories live. Discover now