"Hindi ko na kukunin, ang mahal!" Pagrereklamo ko
Tinupad nga ni Isaiah ang sinabi niya kahapon sa phone call na pupunta siya dito sa Baguio.
Nandito kasi kami ngayon sa SM, nagtatalo kasi kami. Kanina niya pa kasi gustong bilhin 'yong bag na tinitignan ko.
"Hindi mo gusto?" He asked.
He's wearing his normal office outfit and hindi ako magsasawang magsabing bagay niya 'to. Pero siyempre sa isip-isip ko lang 'yon, hindi ko sasabihin sakanya mismo.
Hindi ko maiwasang mainis sa mga babaeng nasasalubong namin, kulang nalang kasi isako na nila si Isaiah sa pagkahumaling at kilig. Tinignan ko si Isaiah pero parang wala lang naman 'yon sakanya.
"Gusto pero hindi ko naman kailangan. I just want it but I don't need it." I explained.
"Then I'll buy it." Pilit niya.
"Huwag na, tara na nga." Nauna na ako sakanyang maglakad.
Nang liningon ko siya, umiiling ito habang nangingiti.
"Ang mamahal naman ng paninda dito. Tara sa ukay." I suggested. Pababa na kami ngayon sa second floor ng mall.
"Ukay, are you serious?" Amaze na amaze na tanong nito.
"Oo. Hindi mo ba alam 'yon?" Tanong ko.
Usually naman kasi sa mga tulad nilang sobrang yayaman, wala silang alam sa mga ganito masyado.
"I know but.."
Medyo nagulat ako sa naging sagot nito, hindi ko akalaing alam niya 'to.
"But?" I interrupted.
"Hindi lang ako makapaniwalang nag-uukay ka." Tinignan ako nito from head to toe.
"Bastos!" I shouted.
"It's true. I thought you're not into ukay." He explained.
"Judger."
"Ano 'yon Ma'am, Sir?" Tanong ng tindera dito sa ukayan na pinasok namin.
"Magtutingin lang." Sagot ko
"Sir, itong leather na sapatos, mukhang bagay sa inyo." Masayang nilapitan ng tindera si Isaiah.
Hindi ko naman mapigilan ang isa kong kilay na mapataas. Hindi ba ako dapat ang inaasikaso? Hindi naman 'yan bibili dahil paniguradong maraming mga mamahaling gamit 'yan.
Nakita kong linapitan ito ni Isaiah at kinuha ang pinapakita ng babae.
"Sir, ako na magsukat sa paa mo." Offer ng tindera.
Sa pagkakaalam ko, wala namang ganyan ah. Himala, pati pagsusukat ginagabayan na ngayon.
Bago pa makasagot si Isaiah, wala sa sariling lumapit ako sa pwesto nila.
"Kaya niyang sukatin 'yan mag-isa." Hindi naitago ang pagtataray ng aking boses kaya naman nakita ko ang pagkabigla ni Isaiah bago ito ngumiti ng tipid.
Tumingin lang sa'kin ang tindera bago bumaling ulit kay Isaiah.
"Thank you but I can do it." Sagot niya sa tindera.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig. Nang haharapin ko na sana siya, ang siya namang pag-alis nito ng black shoes niya at pagsukat do'n sa ipinakita ng tindera kanina.
"As if bumibili ka ng mga ganyan." I sarcastically said, tama lang 'yon para marinig niya.
Nang maisukat niya 'to, ilinakad niya 'to ng ilang hakbang.
YOU ARE READING
The Real Owner
RomanceSi Arillena Mayona ay isang practical na tao kahit pa ito'y galing sa may kayang pamilya, hindi siya kailanman nanghingi ng luho sa kanyang Ama. She wants to finish her studies para ito ay makatulong sa kanilang negosyo. While she's busy on her drea...