CHAPTER 10: Brother

78 3 0
                                    

Kahit na sobrang lamig, dali-dali kong inalis ang comforter na nakataklob sa akin. I need to prepare, pupuntahan ko si Ismael. Besides, it's saturday. Wala akong klase ngayon.

Me:

Good morning, Ismael. Free ka ba ngayon?

Sent! Hindi ko alam pero mag-uumpisa pa lang ako sa plano ko, kinakabahan na ako ng sobra.

Mga limang minuto rin siguro 'yon bago tumunog ang phone ko kaya pinulot ko agad 'yon sa tabi ko at laking gulat ko nang makita ang naka-rehistrong pangalan na nagpakita. It's Isaiah! 'Wag mong sabihing.. Oh no! I'm dead.

Isaiah:

What the hell? Ismael? Are you fucking serious?

Sobrang ramdam ko ang init ng mukha ko ngayon.

Matapos ang ilang minuto sa pagkakagulat, tumunog ulit 'to. This time, he's calling na.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinagot ko ang kanyang tawag.

"H-hello?" Kinakabahan kong boses. I don't know why I am feeling this way, I feel guilty. Feeling ko may nagawa akong kasalanan sa kanya.

"What's with Ismael? Bakit mo tinatanong kung pwede siya ngayon?" Tuloy-tuloy niyang tanong sa kanilang line.

"Wala, wala ka ng pakealam do'n." Palusot ko.

"Really? Siya ba nanliligaw s—," bago niya pa ituloy ang sasabihin niya. Binabaan ko na siya. In-airplane mo ko 'to para wala akong ma-receive na calls or texts galing sakanya.

Natatakot kasi akong baka makahalata at malaman niya. I don't know him much pero based on what Kuya Jonas, Lillien and those articles in the internet says that Isaiah is very intelligent in any aspects.

Buti nalang may extra phone ako. Agad kong kinuha 'yon at doon tinext si Ismael. Nagreply naman 'to agad.

Ismael:

Good morning. Yes I'm free today. Why?

Me:

Pwede bang magpasama? Wala kasi si Manong, wala rin naman si Kuya Jonas hehe.

Kinakabahan talaga ako, mahahalata kaya ako nito. Hindi naman pwedeng biglain ko siyang i-girlfriend ako. Baka makahalata lalo.

Ismael:

I see. Sure, sige. What time?

Me:

By 9:30 AM, is that fine?

Ismael:

Copy.

8:00 na, ayokong paghintayin siya kaya agad akong dumiretso sa CR para maligo.

Pagkatapos kong maligo, nag-apply ako ng light make-up and I wore my faded blue tattered jeans with my black v-neck shirt. Naka-tuck in ito. Nag-sandals rin ako, hindi naman gano'n kataas ang heels, tama lang.

9:20 na, saktong-sakto. Bumaba agad ako para lumabas na at abangan siya sa gate.

"Aalis ka, Iha?" Tanong ni Manang namg makita ako.

"Opo, Nang. Kayo na po muna bahala rito." Nakangiti kong sagot.

"Sige, mag-ingat ka."

Nginitian ko lang siya bago tuluyang lumabas.

Sakto paglabas ko ay ang pagdating ng isang sasakyan ni Ismael. Nginitian ko agad siya bago nang lumabas ito para pagbuksan ako.

"Thanks." Tipid kong sagot nang makapasok.

The Real Owner Where stories live. Discover now