"I'm sorry, natagalan ako."
Kararating lang ni Ismael dito sa loob. Saglitang nawala sa aking isipan ang nasaksihan kanina.
"Tara na sa taas" Yaya nito.
Sumunod naman agad ako sakanya. May iilan kaming mga nakakasalubong na sa tingin ko ay mga ka-batch ko rin.
Isang matangkad, maputi na babae ang sumalubong sa'min nang makapasok kami sa isang kwarto na punong-puno ng mga dental supplies. Siguro'y ka-edad ito ni Ismael.
"Hi, lovely." Bati ni Ismael.
Lovely? Tama ba rinig ko? Tinawag niya 'tong Lovely? Wow, sana all.
"Hello, Ismael. Napadaan ka?" Nakangiti nitong tanong bago mapunta ang tingin sa'kin. Hindi man lang siya ngumiti o nag-abot man lang ng kamay sa'kin. Bakit feeling ko may gusto kay Ismael 'to? I can sense.
"Oo, I'm with Aril."
Finally, napansin na rin niya ako. Pilit 'tong ngumiti sa'kin bago tinuon ang atensiyon kay Ismael. Hello? Ako kaya ang may kailangan? Tsaka hindi ko naman gusto si Ismael. Tsk.
Hinayaan ko lang sila mag-usap, si Ismael na rin ang nagsabi kung ano ang mga kakailanganin ko.
"Thank you." nakita kong may inabot na pera si Ismael sakanya kaya tinapik ko siya.
"Ako magbabayad." bulong ko.
"Mamaya na." Sagot niya.
Pinipilit ko pang i-abot palihim sa kanya ang pera pero linalayo niya lang ang kamay sa akin.
"May problema ba?" Sabat ng babae nang mapansin ang galaw namin.
"Nothing." Tipid na sagot ni Ismael habang nakangiti.
Kasalukuyan na kasing linalagay ng babae ang nabili sa paper bag.
"Mamaya mo nalang bayaran." Final na sabi ni Ismael kaya tinago ko agad yung pera na hawak ko. Sige, mamaya nalang.
Pagkababa namin, hindi mawala sa isip ko si Isaiah? Naiinis ako sakanya, hindi ko alam kung bakit.
"We're here." Baling sa'kin ni Ismael. Sa haba ng pag-iisip ko, nakarating na pala kami sa labas ng bahay. It's already 4:24 PM.
"Ay. Thank you sa pagsama, Ismael." Sabi ko bago maalala ang pera na ibibigay ko. Nakakahiya naman kung hindi ko 'to ibibigay.
"No worries." Sagot niya.
"Heto, bago ko makalimutan." Naka-angat na ang kaliwa kong kamay para i-abot sa kanya.
Tumatanggi siya pero pinipilit ko pa rin. Nang hindi pa rin kinukuha, pasimple kong iniwan sa upuan ko bago tuluyang lumabas. Narinig ko 'tong bumusina bago tuluyang umalis. Sana makita niya 'yon mamaya.
Papasok na sana ako sa loob ng may humigit sa'kin. Nagpatinaod na ako nang makita ang pamilyar na likod. Hinayaan ko siyang hilain ako hanggang sa makarating kami sa mga puno ng pine trees malapit sa bahay.
Nang humarap 'to, kitang-kita ko ang galit at seryoso niyang mukha. His jaw clenched bago niya bitawan ang kamay ko. Nakasuot 'to ng pang-opisina, taliwas sa nakita ko kanina. Baka nga siguro namalik-mata lang ako.
Hinilamos niya ang dalawang mga kamay bago muling humarap sa akin. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko. Napayuko ako dahil sa hindi malamang dahilan.
"Do you like my brother, huh?" He said mockingly.
Hindi ako sumagot. Nanatili akong yumuko. Kung sasabihin kong oo, masasaktan ko siya maski ako. Kung sasabihin ko namang hindi, masasaktan pa rin ako dahil madi-disappoint ko si Daddy. Ang selfish ko ba? Wala akong magawa, mahal ko ang Daddy ko.
YOU ARE READING
The Real Owner
RomanceSi Arillena Mayona ay isang practical na tao kahit pa ito'y galing sa may kayang pamilya, hindi siya kailanman nanghingi ng luho sa kanyang Ama. She wants to finish her studies para ito ay makatulong sa kanilang negosyo. While she's busy on her drea...