CHAPTER 17: Siblings

184 7 2
                                    

The wind is blowing, ramdam ko ang konting lamig nito na dumadampi sa aking balat.

Settled na lahat, kasalukuyan kaming nakaupo ni Lesli kasama ang mga pinsan nito dito sa bamboo chairs. Dito nga sa pampang magaganap ang celebration.

Abala si Lesli sa pakikipag-usap sa iilang siguro'y mga pinsan nila.

Agad kong kinuha ang phone ko sa lamesa ng makitang may tumatawag.

Hinintay ko muna itong magsalita bago ako sumagot, "Hello?"

"Malapit na ako diyan, can you wait for me outside?" Isang malambing at mahinahon na boses.

It's Isaiah..

To be honest, I really don't know right now what to feel. Call me idiot or stupid pero alam ko sa sarili kong ako mismo, walang maramdamang saya or excitement para sa kanya after kong makatagpo ang Kuya niya kanina.

"Okay." Tanging sagot ko at agad na binaba.

Busy pa rin si Lesli sa pakikipag-usap kaya sa isa niyang pinsan  ako nagpaalam para lumabas lang sandali.

"Oh, saan ka pupunta?" Gulat na salubong sa akin ni Daryl nang masalubong dito sa labas ng resort nila. May pinuntahan siguro 'to kasi kita kong hawak pa niya ang susi ng sasakyan sa kanan niyang kamay.

"Uhm, may titignan lang." Palusot ko.

Hindi ko kasi alam paano sabihing may pupuntang bisita, nakakahiya naman at hindi pa niya alam na may inaya akong kasama sa birthday niya.

"Bumalik ka rin sa loob, okay? Gabi na, medyo delikado dito sa labas." Paliwanag niya nang matapos tumango-tango sa naging sagot ko.

May sinasabi pa siya pero hindi na nakatuon ang aking atensiyon sa kanya. Bigla nalang akong nataranta nang makita ang papalapit na raptor.

Napansin yata ito ni Daryl kaya agad namang bumaling sa likod niya kung saan ako nakatingin.

Bigla akong nakaramdam ng hiya. Hindi naman kami gano'n ka-close ni Daryl para mag-aya ng kasama sa birthday niya.

Tuluyan nang nakalabas si Isaiah sa sasakyan, malapit na ito sa'min. Gano'n na lamang ang gulat ko nang magsalita si Daryl.

Kita ko rin ang medyo pagkagulat ni Isaiah nang makitang kasama ko si Daryl dito sa labas.

Nakitaan ko ng pagkamangha si Daryl pero bumalik rin naman ito agad sa normal niyang expression.

"Nandito ka pala. Akala ko hindi ka makakarating." Bungad ni Daryl sa kanya.

Napakamot lang sa batok si Isaiah bago nagsalita.

"Alam mo na. Happy birthday pala." Sagot nito habang nakatingin sa akin.

Ramdam ko ang pamumutla ko dahil sa reaction ni Daryl nang makita ang simpleng gestures ni Isaiah.

"Woah. Okay, okay. Thank you." Sabi nito habang nakataas ang dalawang mga kamay na parang sumusuko at papalit-palit ang baling nito ng tingin sa amin ni Isiaah.

"Mauna na ako sa loob, sumunod agad kayo at magsisimula na." Sabi nito bago tuluyang pumasok ng resort.

Naka-civilian si Isaiah, he's always handsome naman kahit anong suot niya pero bakit kahit sinagot ko na siya, wala akong maramdaman?

"Hey." Bati nito nang mapansing nakatulala ako.

"Oy sorry. Kamusta byahe? Sana hindi kana pumunta dito. Naabala ka pa tuloy." Agad kong tugon.

"No, it's okay." Nakangiti nitong sagot.

Nag-usap pa kami konti bago tuluyang pumasok sa loob.

Nagsimula na ang kainina. Mula kasi rito, kitang-kita ang mga waiters na nag-seserve. Kahit papalapit pa lang kami, naaaninag ko na sina Lesli. Kita ko rin si Daryl sa isang table at may mga kasamang siguro ay mga kaibigan.

"Kanina pa kita hinahanap." Bungad ni Lesli nang makita ako.

Hindi pa niya pinapansin ang tao sa likuran ko siguro ay dahil hindi niya pa ito tinignan. Nang bumaling siya sa likod ko, bigla siyang nagulat. Hindi agad siya nagsalita kaya narinig kong inunahan na siya ni Isaiah.

"Good evening, Lesli." Bati ni Isaiah sa kanya. Naglahad naman ng kamay itong si Isaiah na hindi agad inabot ni Lesli dahil sa gulat pa rin siya.

"Hello, Isaiah?" Alam kong patanong ang pagkakasabi nito, tila ba lito itong nakatingin.

Alam niya namang si Isaiah 'tong kasama ko a, aware rin siyang pupunta ito dito. Bakit ganyan ang reaksyon ni Lesli?

Matapos iyon ay, umupo na ako sa tabi ni Lesli habang sa kanang banda ko naman ay si Isaiah, naki-upo na rin siya sa amin.

Habang kumakain, hindi ko maiwasang mapatingin sa banda nila Daryl. Bake, may dalawang tables pa na nakasunod sa amin bago sa kanila. Nakatingin sa banda namin si Daryl habang may sinasabi sa lalaking nakaharap sakanya. Nakasuot ito ng polo shirt na itim at cap na puti. Nagulat nalang ako nang inalis niya ang cap niya at lumingon sa banda namin.

"Are you okay. Water please?" Agad na baling ni Isaiah sa waiter ng mapansing nabulunan ako.

Those eyes, bigla akong kinabahan sa tingin na 'yon. Hindi na ako sumubok na tumingin pa sa banda nila Daryl at baka hindi ko na kayanin ang susunod na mangyari.

"Anyare sa'yo?" Bulong naman ni Lesli sa tabi ko.

Tumango lang naman ako sakanya para masigurong okay lang ako.

Ininom ko agad ang tubig nang maiabot ni Isaiah sa'kin.

"Thank you." Sabi ko nang matapos uminom.

Ngumiti lang naman ito.

Sa pwesto kasi namin, makikita ang mga pumapasok galing sa resort nila Daryl kaya literal na lumaki ang aking mata nang masilayan ang papalapit na lalaki. May hawak itong box ng siguro ay cake. Naka-maong pants ito at itim na t-shirt. The heck?! Ismael?!

Kami ang unang table na madadaanan bago makarating sa mga susunod at kina Daryl. Hindi yata napansin 'yon ni Lesli. Si Sam, ang kanyang pinsan na babae ang nagsalita kaya napukaw ang atensiyon ng mga tao.

"Samuel!" Sa lakas ng boses nito, halos lahat kami bumaling kung saan siya nakatingin.

Hindi ko na tinignan ang reaksyon ni Isaiah pero tuluyan itong lumapit. May sinabi siya pero hindi na namin iyon marinig. Gayunpaman, nakatingin na rin sina Daryl sa dalawa.

Nang matapos ang saglit nilang pag-uusap. Tuluyan nang lumapit si Ismael sa table namin at bumati.

May bahid ng pang-aasar ang tingin nito sa kung saan kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin at agad akong yumuko nang mapansing kay Ifraim siya nakatingin. Umiling lang ito bago tuluyang lumapit kina Daryl.

"Punta lang ako doon, okay? Balik din ako." Paalam sa akin ni Isaiah nang makabalik dito sa table namin.

"Sige, okay lang." sagot ko naman habang nakangiti.

Sinundan ko nang tingin si  Isaiah habang naglalakad papunta kina Daryl. Kita ko naman ang pag-ikot ng mga leeg ng mga bisita pa nilang iba. Puro mga babae 'yon, hindi ko naman sila masisisi. Ikaw ba naman makakita ng mga gwapo, hindi ba?

"I didn't expect it. Pati si Ismael dumating!" Rinig kong wika ni Sam.

May mga usapan pa sila pero hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin dahil naagaw ang atensiyon ko sa pagtayo ni Isaiah at Ifraim. Ngayon ko lang napansin na mas matangkad ng onti si Ifraim kay Isaiah, mas nadepina rin ang katawan nito. Pati ang kulay, mas dark ang balat ni Ifraim. Bakit hindi ko iyon napansin noon?

Tanging likod nalang ng dalawa habang papalayo sa amin ang nakita ko hanggang sa tuluyang hindi na matanaw. Bakit kaya sila umalis? Saan sila pupunta? Tuloy pa rin naman ang masayang tawanan nila Daryl, lalo na ng dumating si Ismael. Malapit nga siguro ang pamilya ni Lesli sakanila. Pero bakit hindi naman sa akin nakwento ni Lesli ang tungkol kay Ifraim?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Real Owner Where stories live. Discover now