CHAPTER 15: Confused

76 2 0
                                    

It's already morning. Pagdating namin kagabi, agad kaming itinuro sa kanya-kanya naming mga kwarto. Magkasama kami ni Lesli dito sa isang room, double deck ito. Ako sa baba, siya sa taas. Alam kasi naming pareho na malikot ako matulog.

Banda kami sa terrace kung saan mula dito, kitang-kita ang kabuuan ng resort at ng beach sa di kalayuan. Pati ang pagsikat ng araw, makikita mo mula dito sa kwarto naman sa taas.

Dito kami sa regular room natulog dahil maraming mga tourist ang nakakuha sa mga VIP rooms. Ang ibang mga pinsan ni Lesli ay sa baba, kaparehas nitong kwarto namin.

Nakarinig ako ng katok galing sa pinto. Siguro si Lesli na 'yon. Mas maaga kasi siyang nabangon kaysa sa akin. Siguro ay pinuntahan niya ang mga pinsan.

Pagbukas ko ng pintuan, hindi nga ako nagkamali.

"Tara na sa baba. Nakahanda na ang almusal." Wika nito.

"Sige, sunod ako." Sagot ko

Bumalik naman siya sa baba kaya dumiretso na ako sa CR para maghilamos.

Pagkababa ko, nakita ko na ang iilang mga pinsan ni Lesli. Pinakilala niya na 'tong mga 'to kagabi. Bale 3 babae at 4 na lalaki ang mga kasama namin.

"Good morning." Wika ng isa sa mga pinsan niya. Kung hindi ako nagkakamali, Cydan ang pangalan nito.

"Morning." Tipid kong sagot habang nakangiti.

Kasalukuyan silang nakaupo na sa pahabang lamesa.

"Les, akala ko ba ngayon ang punta dito ni Daryl? Bakit wala pa? Gusto kong lumipat sa ibang hotel." Maarteng sabi ng isang pinsan niyang babae, Sam yata ang pangalan.

"Okay naman dito. Tsaka nakakahiya naman sa mga customer kung papaalisin sila." Sabat ng isang pinsan niyang lalaki, Joaquin yata ang pangalan nun.

"Hintayin nalang natin siya. Ang mabuti pa, kumain muna tayo." Aya ni Lesli habang nilalapag ang mga pagkain.

"Wala pang aircon dito! Ang init-init." Patuloy pa rin ni Sam

"May electric fan naman ah." Sagot ng Cydan.

Nakita kong umirap si Sam sa kawalan. Siguro sa kanilang magpipinsan, siya ang pinaka-maarte. Tama ang pinsan niya, may electric fan naman. Pero siguro, sadyang sanay lang 'to sa may aircon.

Pagkatapos naming kumain, nagsibalikan na ang iba sa kanilang mga kwarto. Samantalang kami ni Lesli, naiwan dito sa maliit na kusina.

"Kailan na ulit 'yong celebration?" Tanong ko

"Mamayang hapon." She replied

Naghuhugas ito ng mga pinagkainan namin. Sa'ming dalawa, alam kong si Lesli ang pinakamasipag. Ako kasi hindi ako masyado sa gawaing bahay at hindi ako proud do'n. Still, I'm trying naman.

"P'wede bang mag-ikot muna sa beach?" Tanong ko

"Samahan kita? Tapusin ko lang 'to." Sagot niya

"Hindi na. Kaya ko naman, babalik din ako kaagad." Sagot ko.

Ilang pilit ko pa sakanya na okay lang kahit hindi siya sumama bago pumayag. Mula kaninang pagbangon, wala akong na-receive na text galing kay Isaiah. Ni hi o hello, wala. Bahala siya, ayokong mag-first move 'no!

Paglabas ko sa mini hotel kung saan kami natulog, nakita ko kung gaano kalalaki ang ibang mga hotels na katabi nito. Infairness, maayos ang resort. Malinis. Hindi pa gano'n ang mga tao dahil maaga pa.

Tuluyan naman akong lumagpas sa resort at dumiretso sa gilid ng beach. Puti ang buhangin. Ang sarap sa tenga ng tunog ng mga alon. It's relaxing.

Habang naglalakad, may mga foreigners akong nakakasalubong. Sa gilid ay mga kubo. Sa likod ng mga kubong iyon ay mga bahay. May napansin akong isang bahay di kalayuan, Hindi modern ang itsura ng bahay, old fashioned into kung titignan mo.

The Real Owner Where stories live. Discover now